Halimaw

121 6 0
                                    


Minsan ay ayaw mo ng manalamin
Sa takot na baka...
Siya ay bumalik at muli kang linlangin.

Hindi mo ba mahulaan?
May posibilidad na sa iyo—
Ay minsan din siyang nananahan

Nakakatakot harapin ang katotohanan
Na sa kailaliman mo'y may halimaw na naghahari-harian.

Hindi ba dapat ikaw lamang ang may-ari ng iyong katawan?
Hindi ba dapat ay kusang-loob kang gumagawa ng kabutihan?
Dahil alam mong ito ang nararapat
Dahil alam mong dito ay maililigtas ang lahat

Subalit, bakit?
Minsan ay tila may nais kumuwala?
Minsan ay nais mong bigla na lamang mawala?

Saan nga ba nagsimula
Ang halimaw na iyong nilikha?

____
BruhangManunulat ✏️

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon