“LUNOD”
ni: BMOo, nalulunod ako—
Sa mga sari-saring emosyong hindi mapangalanan,
Sa mga panangis na hindi malaman kung galing saan,
Sa mga pagsubok na animo'y hindi na malalampasan,
Sa mga bangungot nang nakaraan.Subalit, hindi mo kailangang magpakalunod kasama ko
Sa pampang ka lang.
Hindi malayo, hindi rin malapit— kahit hindi abot ng iyong kamay
Diyan ka lang.Tanawin mo akong umahon kasama ng mga bangkay nang kahapon.
Hindi mo kailangang tulungan akong umahon
Maaari kang tumalikod—
Kung natatakot ka'y lumayo o
Kaya'y gumawa ng sariling puntodHindi ko kailangang managhoy.
Hindi mo kailangang magsisi.May iilang bagay tayong kailangang isantabi
Mga dagat na hindi kayang sisirin—
Gamit ang iilang kahoy na basta na lamang dinampot sa tabi.
Sa paningin ng totoong mamamangka,
Walang dagat na malalim.
Sa paningin ni kamatayan,
Lahat ng bangkay ang may kaluluwang lilisanin.Lahat ng iyan ay may dahilan.
Hindi ka lamang gumawa ng paraan.---
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...