Sa tuwing ako'y nasa labas
Tila paligid ay nalalagas
Kaluluwa'y panandaliang naglalayas
Mundo'y umiikot
Tila nais kong panawan ng ulirat.Hindi ko man din maintindihan
Sikmura'y tila nais mag-alpasan
Mga tao'y walang nakikita kundi ang pisikal kong kamalian
Nanginginig ang laman
Nais na sa kuwarto na lamang manahanan.Huwag kang lalapit upang ako'y kausapin
Dila ko'y nauumid
Isipan ay natataranta't nababalisa
Hindi sasadyaing ihihiya ang sarili
Nakakatawa ngunit tila nais na lamang na sana'y lamunin ang katawan ng lupa.Nakakahiya man subalit
Hindi lahat ng tao'y kasing sigasig ng iyong katawang-lupa.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoesiaMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...