...

42 4 0
                                    

Naaalala ko pa noong una tayong magkakilala,
Nagpadala ka ng mensahe at nagpakilala. Mabulaklak ang iyong mga salita nadadala ako sa halimuyak na peke lamang pala.
Nagtagal nang nagtagal, hanggang sa hindi ko namalayang unti-unti na pala akong nahuhulog sa iyong walang hanggan na paalala.
Para akong nasa pinakatuktok nang ilang palapag ng gusali,
Ninamnam ang pagkahulog at sa hangin mo'y nagpakasaya.

Natatakot. Na baka walang sumalo kapag tuluyang sumadsad sa iyo.
Natatakot. Na baka hindi lamang pala ako ang nag-iisa.
Paano kung sa pagkahulog ko'y may marami pa?

Sa kabila niyon, ako'y nagpakatatag.
Ipinagpatuloy ang pagpapakalango sa iyong bibig na mabulaklak.
Kahit ilang beses kong sinabi na ako'y isang rosas...
Matinik kaya hindi kaagad mahahawakan at mapipitas.
Subalit heto, ngayon tuluyang lango sa alak.

Pinagtagpo lang pala subalit—
Gaya ng pagdating mo'y kasing bilis ng kisap-mata ang iyong paglisan.
Nagsawa na ba sa pulos salita?
Nagsawa na sa akin at ibang uri ng bulaklak na naman ang nais bantayan?

SAWING TINTA (BM)

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon