+
Nais ko namang maging malaya.
Nais kong maramdaman muli sa katawan—
ang hagod ng hanging malayo sa karahasan.
Nais kong mapuntahan ang mundong hindi pa naaabot ng aking walang saplot na paahan.
Nais kong makita ang kulay ng pag-ibig na ilang beses nilang kinutya't pinagtawanan.Sa dami ng balakid na kailangang takasan.
Kahit ang magsinungaling ay walang kasiguraduhan.
Sukdulan mang magmakaawa ay patuloy pa ring pagmamatigasan.
Mga maling desisyong sa huli ay pinagsisihan.
Mga katanungang sa akin ay patuloy kung magragasaan.BRUHANGMEOW
L A Y A
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PuisiMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...