Bulag na ang mga puso
Sa tunay na pag-ibig.
Mas mabilis pa sa agos ng ilog
Kung tapusin ang nasimulang pag-ibig.Ang bawat kalabit ng gitara
At awit ng bawat Ginoo
Ay hindi na kailanman madudungaw pa.
Ang mga boses ng mahihinhing Dilag
Ay naghahalakhakan na.Lumipas na ang taon at panahon
Nagbago na ang noon at ngayon
At sa bawat punit ng papel ng kahapon
Ay kasing bilis mamunit ng mga puso ngayon.At sa takdang panahon...
Wala ng matitira pa kundi maitim na tinta—
Sa pusong iminulat na sa katotohanan kahit musmos pa.BM
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
شِعرMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...