OVER-THINKING (tagalog)

256 8 0
                                    

Ah! Sumapit na naman ang alas-dose.
Panibagong taon muli,
Ngunit heto ako't iniisip—
“Kung bakit walang nagbago sa sarili.”

Ang isipan ko'y parang traffic sa EDSA.
Hindi makakilos sa mga negatibong alaala
Trahedyang nagbigay ng phobia,
Mga takot na hindi mawala sa sistema.
Ang tuloy-tuloy na saya'y tumatambay lamang pansamantala.

Miminsan pa nga'y pakiramdam ko'y nakatunghay sa akin ang lahat.
Minamaliit ako't pinagtatawanan nang hindi ko nalalaman.

'Walang nagmamahal sa'yo'
'Hindi ka importante sa kanila kaya tumigil ka sa mga ilusyon mo'
'Bakit kailangan mo lang gawin yan kung hindi ka naman magtatagumpay sa huli'
'Isa kang kahihiyan'

Napakarami't matitinis
Nananakit ang isipan sa kuro-kurong boses.
Kaya minsa'y rumaragasang tila drum ang mga luha
Para bang naipon nang kay tagal
Kahit noong isang gabi lamang ay ganito rin ang naramdaman.

Magpupulasang bigla
Tila ibong sa hawla ay nakawala
Nakakatawang isipin na minsa'y makakarinig na lamang ng mga katagang,
'Masyadong paawa'

Kung hindi maintindihan
Bakit kailangan pang husgahan
Para bang minsa'y hindi nila ito maramdaman.

Pasensiya na kung minsa'y
Umaasta akong tila isang paawang bida
Kung ayaw mo namang makita o marinig
Ipagbingi-bingihan mo na lamang
O kaya'y ipagbulag-bulagan
Hindi tayo perpekto—
Nakakaramdam tayo ng pagkalito't pagkalungkot.

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon