Minsa'y dinadagsa ako nang maraming katanungan.
Subalit sa tuwing ibubuka ang bibig—
Tila dila ko'y nahihintakutan.Paano kung sa bawat sanaysay ay husgahan?
Kaya minsa'y nais na lamang na manatili sa sulok na kinakukulungan.
Marahil wala na pag-asang makahanap pa ng lagusan o kaya—
Marahil sa bawat lagusan ay pabalik-balik lamang sa nakagawian.Siguro nga'y ito na iyon.
Hahayaan na lamang na ianod ng alon,
O kaya'y hayaang nakapinid sa pinakailalim na pagkakabaon.Siguro nga'y ito na iyon.
Siguro nga'y wala ng iba bang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...