Kasing bilis lamang ng kisapmata ang magkaroon ng hinahangaan— sa iba't ibang paraan at maraming dahilan. Subalit, hiling ko sana'y huwag mong hayaan ang sariling magpadalos-dalos ng nararamdaman.
Paano kung humahanga ka lang at hindi umiibig?
Paano kung nasisiyahan ka lang sa iyong nakikita?
Paano kung sa kalagitnaan ng iyong pag-aakala ay bigla kang mawalan ng gana? Samantalang siya, malalim na ang naitaya; handa ng makasama ka.
Makakasakit ka lamang, hindi ba?Kaya sana, kung hindi ka pa handa o kaya'y mayroon pang kailangang ayusin sa sarili... Huwag na muna, maaari ba?
KeideMorena
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...