Nais kong isulat sa iisang pangungusap ang nararamdaman— kung paanong minsan matuliro ang puso, isipan at katawan. Nais na sana'y hayaan ang isipan na maging malaya sa nais nitong ipahayag. Hayaan ang puso na malayang mamili sa nais maramdaman o kaya'y kumilos ang katawan sa nais nitong patutunguhan. Subalit sa bawat galaw, tila ba may nakaharang... Pulupot ang dila o kaya'y masyadong masikip sa kinaroroonan.
Tila ako sisiw na umaasam na makalipad. Kaya'y sanggol na nagsusumamong makalakad. Sa kabilang banda'y, maaari ring naghihingalong pasyente na ang tanging solusyon ay tapusin ang lahat. Tila ba, wala ng bukas pang aasamin. Sapagkat sa aking kanlungan, maski sinag ng araw ay sinasadyang harangin.
BRUHANGMEOW ♡
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
شِعرMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...