Dilim

231 16 1
                                    

Sa bawat araw at gabi na aking pagtangis
Bawat sulok ng aking kuwarto'y tila papel na marungis
Patak ng luha'y hinabing tinta
Upang panulat sa mga mali nilang akala
Walang kalatoy-latoy nilang kinutya
Tila ba talaan ko'y sila ang may gawa
Kaya gayon na lamang ang kanilang panghuhusga
Ngayo'y nagtataka
Kung saan magsisimula
Gayong bawat tao ma'y nakayuko
Likuran naman nila'y tila pinya sa dami nang agad mapupuna

Magkagayon pa man, ito'y hindi ukol sa kanila
Kundi sa karimlang sa akin ay gumagambala
Wala ng pagsidlan sa kalungkutan ang aking kaluluwa
Tila ba ako'y hinihila sa kamatayang hindi pa itinakda

____
BruhangManunulat 
Fb: KISH DG
tw: @_bruha

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon