Kailangan bang malungkot
Kung bakit naiiba ka
Kung bakit hindi mo makita ang sarili sa posisyon nila
O kung bakit hindi naging ikaw silaKailangan bang iyakan;
Ang mga bagay na hindi mo kaya
Ang mga pagkakataong nanginginig ang iyong laman sa kaba
Kapag maraming nakatitig na mata
Ang mga pagkakataong nauutal at napipipi ka;
Sa takot na sa likod ng mga isipan nila'y mga masasamang salita
Ang mga pagkakataong nawawalan ka na ng pag-asang sumubok dahil alam mong hindi isa sa talento mo ang talento nilaKailangan bang malugmok sa kawalan at igupo ang sarili sa karimlan
Gaya ng nasa isipang paiba-iba nais mong maging sila
Iyong madaldal
Iyong malakas
Iyong palaging may medalyang naisasabit sa leeg
Mga magulang na itinuturing kang tila kayamanan dahil isa kang huwarang anak
Kaya mo ang kaya nila
Maganda ka, gaya nila
Aktibo ka sa matematika at pang-malakasan sa lahat ng sports gaya ng iba
At kung ano-ano paBakit kailangang ikumpara ang sarili sa iba?
Gayong alam mong ang bawat isa'y may kaniya-kaniya
Gayong alam mong mga tao'y hindi perpekto gaya ng iyong inaakala
Gayong alam mong kaya mo naman talaga pero hindi mo lamang ginagawaKung negatibo ang hatid ng mga tao sa iyong paligid, bakit hindi ka lumisan upang makilala ang sarili ng lubusan
Huwag mong hayaang hawakan nila pati ang libro ng iyong tadhana
Ikaw ang magsulat nito gamit ang iyong pawis at luha
Saka mo malalaman na ang buhay mo'y may patutunguhan
Hindi lamang hanggang sa apat na sulok ng isang silid-karimlan—
BRUHANGMEOW
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...