Elyanna Point of view ✨Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa tapat ng salamin. Shocks! Bakit ba ang ganda ko? Hays. Wait lang idedescribe ko sainyo ang itsura ko. Maiksi lang ang buhok ko na hanggang balikat, pointed nose, maputi, rosy cheeks at higit sa lahat maganda ako. Balingkinitan din ang aking katawan kaya naman hindi naniniwala yung iba na seventeen palang ako.
-
-
-
-
"Ms. Eya!" tawag ni Manang Lita kaya naman agad na napairap ako. Iniistorbo nanaman nya ang pagpapacute ko sa harap ng salamin."What?!" iritang tanong ko pagkabukas ko sa pinto.
"Pinapatawag kani Senyor." nakayuko nyang sabi kaya naman huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Okay fine. Pakisabi bababa nako." walang gana kong sabi saka pabalibag na sinara ang pinto.
Inayos ko muna ang sarili ko dahil para akong call girl sa suot ko at baka palayasin pa ako ni Daddy pag nakita niya ako sa itsura ko. Nang makapag palit nako ay bumaba na agad ako.
Pagdating ko sa sala nakita ko agad si Daddy na seryosong nakaupo sa sarili nyang upuan kaya naman naupo nako sa sofa na halos katabi lang din naman nya .
"Pinapatawag niyo daw ako?" tanong ko ng hindi ko narinig na magsalita si Daddy, malamang kinakalma muna nito ang sarili nya o iniisip kung paano sisimulan ang panenermon nito saakin.
"Ano nanaman ba yung nabalitaan kong ginagabi ka nanaman sa paguwi?" galit pero kalmado pa 'din ang boses na tanong ni Dad.
Agad akong napairap sa kawalan dahil nagsumbong nanaman pala ang kaniyang mga alipores. "Nagkatuwaan lang naman po kami ni, Dane sa bahay nila kaya hindi agad ako nakakauwi ng maaga." paliwanag ko.
"Hindi ako natutuwa sa mga ikinikilos mo, kababaing mong tao tapos gabi kana kung umuwi." galit na sabi ni Dad kaya naman bigla akong tumayo sa inis ko.
"Kailan ho ba kayo natuwa sakin?" seryoso kong tanong at halata sa mukha niya ang galit sakin dahil sa pagsagot ko, tumalikod nako dahil hahaba nanaman 'to at magtatalo lang kami lalo pero sumigaw siya.
"Elyanna! Wag kang bastos, kinakausap pa kita!" galit netong sabi .
Napangisi ako dahil narinig ko nanaman ang buong pangalan ko, pero hindi ko sya pinansin at dumeretso na ulit sa kwarto ko.
KINABUKASAN
SA SCHOOL...Inipit ko yung ball pen ko sa pagitan ng nguso at ilong ko.
"Hoy! Itigil mo nga 'yan!" sigaw ni Dane kaya naman nahulog ko yung ball pen ko dahil sa gulat, agad na napahampas ako sa kaniya.
"Ano ba?!" galit na sabi ko.
"Aray naman! Umagang-umaga naman kasi diba nakasimangot ka, nakakasira ng ganda 'yan girl!" sabi nito.
"Kaya naman pala." sabi ko na nakataas ang isang kilay ko sa kaniya at agad ako nitong binato ng tissue na mula sa baso ng juice nito.
"Wow naman! Ang sama mo talaga, Eya." sabi nito na napapailing pa. Hindi ko siya pinansin at humigop lang sa straw ko at in-enjoy ko nalang ang paginom sa Chocolate shake ko.
Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon dahil breaktime ba.. Actually lagi naman talaga kaming andito ni Dane kahit may klase, bakit ba?! Nakakairita yong mga mukha ng prof namin, nong nagsaboy ata yung langit ng kapogian at kagandahan nasalo namin yon ni Dane.
Oo mga mamsh! Lalaki po si Dane, actually Daniel talaga ang name niya. 'Daniel Luke Sebastian' tinawag ko lang syang Dane dahil baklita po ang aking kaibigan. Ayaw naman nya ng Daniela dahil mukha daw Manang kaya minsan binabatukan ko yan e para naman matauhan minsan kaso bigo ako.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM