CHAPTER THIRTY FIVE

44 1 0
                                    


Nang makahiga si Tali nang maayos ay lumabas na kami ni Rica.

Hinanap ko si, Dane at nakita ko ito sa labas na may kinakausap sa phone nito.

"Bakit naman ganon, Ma! Sinunod ko naman lahat ng gusto niniyo pero bakit yung request ko sainyo na dalawin nyo man lang si Lola ay hindi nyo nagawa?!"

"Ma, mahina na si Lola! Naghihintay lang siya dito na dalawin nyo man lang siya kahit isang beses sa isang buwan, buti pa ang iba nadadalaw siya pero kayo–Ma, hindi reason yung busy kayo! Kasi kung andito ako sa pilipinas non, mababantayan ko siya. Ma, mas kailangan niya kayo ngayon!"

"May edad na si Lola, gusto mo siya pa ang magbyahe papunta diyan?! Hindi na maganda para sa kaniya ang bumyahe ng malayo, naiintindihan nyo ba ako?"

"Siguraduhin nyo lang, Ma!" sabi nito at binaba na ang phone niya at binalik sa bulsa nito. Natigilan naman siya ng humarap to sakin.

"Kalma lang, Dane." sabi ko dito at huminga ito ng malalim saka tumingin sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Thank you pala, Eya." sabi niya at ngumiti ako.

"Hindi mo pinabayaan si Lola kahit iniwan kita noon." sabi nito.

"Ano kaba, si Lola Marie ay parang tunay ko na din siyang Lola, kahit magkaaway man tayo o kahit hindi man nawala si Vanessa ay patuloy ko parin tong dadalawin." sabi nito at niyakap niya ako.

"Wag ka ng highblood, magaaway pa kayo ng Mommy mo eh." sabi ko at hinarap niya ako.

"Pansin ko lang ah, medyo bumabait kana ulit." sabi niya kaya inirapan ko ito.

"Bakit, masama ba ako dati?" tanong ko.

"Well, yes. Ikaw ang pinakamasamang nakilala kong babaing ubod ng ganda!" sabi nito

"Compliment ba 'yan?" tanong ko.

"Of course." sabi niya tsaka nito kiniss ang noo ko at napangiti nalang ako saka siya niyakap.

Naglakad-lakad muna kami sa may tabing-dagat habang hawak nito ang kamay ko.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Uh, ofcourse, basta kasama kita okay lang ako." sabi neto.

Hmmp, nambola pa!

"Mamaya ihahatid na kita with, Thaliah. Magi-stay muna ako dito kahit two or three days." sabi neto.

"Bukas mo nalang ako ihatid, ime-message ko nalang si Mommy mamaya." sabi ko at tumingin to sakin at tumango.

"Thank you!" bigla nitong sabi kaya ngumiti ako.

"And sorry din." sabi nito

"Sorry sa lahat, nong umalis ako ng pilipinas at ng pakasal ako sa iba, nang hindi din ako magparamdam sayo, hindi pa ako nakakahingi ng sorry sa lahat ng pasakit ko sayo." sabi nito at tumango lang ako.

"Nagpapasalamat din ako ng sobra at tinanggap mo ako sa kabila ng lahat, kahit may anak na ako." sabi nito at nakinig lang ako dahil sobrang gaan sa feeling ko na naririnig ko ang boses niya, aaminin kong sumama ang loob ko sakaniya pero never akong nakaramdam ng galit dahil mahal ko talaga siya.

Kaya nga siguro hindi ko din mapagbigyan ang mga nanliligaw noon sakin dahil kahit ilang taon ng wala si, Daniel ay alam kong mahal ko pa din siya at hinding-hindi mawawala yung kaagad.

"Sobrang swerte ko sayo, Elyanna!" sabi nito at natawa ako.

"Nasabi ko non sa sarili ko, pagbalik ko sa pilipinas. Gagawin ko ang lahat maging tayo lang."

"Eh paano kung may boyfriend na pala ako, pagbalik mo." tanong ko.

"Maghihintay ako, gaya ng paghihintay mo sakin, dahil alam ko sa sarili ko na ikaw lang ang babae para sakin.." sabi nito.

"Ayaw mo ng lalaki?" tanong ko at natawa ito ng mahina

"Puro ka talaga kalokohan." sabi nito.

Naglakad na ulit kami pabalik sa may resort.

_____________

At nag-decide nga kaming mag movie-marathon ulit, like old times. This time with the waves surrounding us, and the resort's homey ambiance.

Naramdaman ko naman ang gutom at napatingin sa oras. Magga-gabi na pala.

"Huy, ginugutom mo akooo." Sabi ko kay Dane. Nakahiga na ako sa lap niya at nakaupo naman siya ng ayos sa sofa. Nararamdaman ko ang pag-suklay niya sa buhok ko at inaantok ako ng bahagya.

Napa-chuckle naman siya ng mahina at tumingin sa akin. Hinalikan niya ako dahan-dahan sa noo. Napapikit ako.

"Well, what do you want to eat?" Sabi niya naman. Inaabot na niya ang telephone na nasa may table sa tabi ng sofa.

"Hmmm.. Meron bang pizza?" Sabi ko. Napatawa naman ako dahil mukhang Malabo na magka-pizza dito.

"Pag gusto mo ng pizza, magkakapizza. Gusto mo?" Sabi niya sa akin. Malambing ang tono niya pero seryoso ang kaniyang pananalita. Ibang iba na talaga ang Daniel Luke Sebastian ngayon. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng pride para sa kaniya. Dati magkaklase lang kami at pa-absent absent lang kaming pareho. Ngayon, 23 pa lang siya pero boss na ang tawag sa kaniya ng mga tao.

"Hmm, okay. Then kahit anong may shrimp. Maybe cocktails?" Sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya pagkasabi ko ng cocktails.

"You can't get drunk. I'm trying to be a good boy." Sabi naman ni Dane sabay ngisi. Agad kong tinapon sa mukha niya ang unan.

"Cocktails lang naman! Sabihin mo low alcohol lang." Sabi ko naman. Tumango tango naman siya at nagsimula nang tumawag. Tumayo na ako at nag-ayos ng suot kong dress.

Naririnig ko ang pag-order ni Dane at naglalakad lakad lang ako sa living room nila Lola Nakatingin ako kay Dane at nakita ko na nakatingin lang din siya sa akin. Napangiti pa siya at kumindat. Umirap lang ako sa kaniya. Binaba na niya ang phone.

"May pizza?" Sabi ko sabay lapit at upo sa tabi niya. Hinila niya naman ako at naupo na kami ulit sa sofa.

"What my Elyanna wants, my Elyanna gets." Sabi niya.

"Anong oras dadating? Kumukulo na tyan ko." Sabi ko naman. Iniinis ko lang siya dahil ayaw kong magkaroon ng moment para sa katahimikan dahil baka maglaplapan session nanaman kami. Jusme, naaalala ko nanaman ang kamuntik-muntikan ng pangyayari noong una namin punta dito na magkasama.

"Sabi nila, mga thirty minutes pa. Pero yung drinks, padating na siguro. What do you want to do? Let's dip muna sa jacuzzi." Sabi niya sabay nguso dun sa may balcony namin. Meron na kasi ditong jacuzzi. May upgrade si Lola niyo.

"Hmm, okay. I'll just change into my swimsuit." Sabi ko sa kaniya. Kumindat naman siya at alam ko na agad kung anong ibig sabihin nito. Natatawa tawa na lang ako na umakyat sa kwarto.

Sinuot ko nalang ang swimsuit don sa closet at bumaba na. Buti na lang at dumating na ang cocktails namin. Kinuha ko ang kulay pink na mojito at ininom ito.

"Go to the pool already. Baka may dumating pa, makita ka pa." Sabi niya sabay tulak sa akin papunta sa balcony.

"Ano ba, nasa resort naman tayo, okay lang yan." Sabi ko naman sabay upo ulit sa may high table. Napakamot lang siya ng ulo niya. Lumapit siya sa telepono at nakangising tumawag. Nakatitig lang siya sa legs ko pataas sa dibdib ko. Napakamanyak din naman talaga ng taong to.

"Hello, pwedeng si Rica nalang o si Lyca ang maghatid ng pagkain? Salamat." sabi niya lang ng mabilisan tsaka ito binaba.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon