CHAPTER FORTY SIX

40 1 0
                                    

Si Ate na ang nagmaneho dahil nanginginig pa ako at baka pati kami ay maaksidente.

Tinatawagan ko si Tita Mariel at pinaalam ito sa kaniya, susunod na daw sila ni Tito.

"Kumalma ka Eya, kinakabahan din ako eh." sabi nito habang nasa byahe padin kami.

"Ate...pano ako kakalma ha, naaksidente si Dane." sabi ko.

"Magiging okay din siya, kalma lang bunso." sabi nito at napairap ako.

"Yung nagaalala ka na pero maldita ka padin sakin." sabi nito at tiningnan ko siya ng masama.

"Ate naman!" inis kong sabi.

"Oo na sorry na." sabi nito.

Lintek naman oh, traffic pa!

Inabot kami ng tatlong oras bago nakarating sa tagaytay hospital dahil sa traffic.

Pagpasok namin sa entrance ay lumapit agad ako sa main at nagtanong.

"May patient ba ditong Daniel Luke?" tanong ko, for sure may record na ito dahil lagi itong may dalang ID sa wallet niya.

"Uhm, wait lang po. Uh. Yes, Ma'am. Room 3422 po." sagot nito at agad akong nagthankyou at hinila ko na si Ate.

Agad na pinindot ko ang elevator at pinindot ang 3rd fl.

Pagdating namin sa tapat ng room ni Dane ay biglang natigilan ako, hinarap ko si Ate at huminga ng malalim.

Agad na pumasok kami at nakita ko si Dane na nakahiga at may doctor na tumitingin sa kaniya.

"Kaano-ano kayo ng pasyente?" tanong ng doctor sakin.

"Husband ko po siya...kamusta na po sya?" tanong ko pero kay Dane ako nakatingin, hinawakan ko ang kamay nitong may nakakabit na dextrose.

"Okay naman na po siya, Ma'am. Chineck ko nadin ang vitals niya and lahat okay naman na, nagpapahinga lang ito at baka mamaya ay gising nadin siya." sabi nito kaya tumango ako.

Naupo ako sa tabi nito habang hawak padin ang kamay niya.

"D-Dane...I'm here, okay.." mahina kong sabi na pinipilit na wag maiyak, ayokong gumising si Dane na umiiyak ako.

Makalipas ang kalahating oras ay ang parents naman ni Dane ang dumating kaya tumayo ako para makalapit sila.

Umiiyak na lumapit si Tita Mariel. "K-Kamusta siya Eya?" tanong nito.

"O-Okay na daw po siya, Tita. Nagpapahinga nalang daw po ito." sagot ko at tumango-tango ito.

Lalabas sana si Tito ng magsalita si Tita.

"Saan ka pupunta?! Kasalanan mo kung bakit naaksidente ang anak natin, pano kung malala ang nangyari sa kaniya." galit na sabi ni tita.

Nagpaalam naman si Ate na lalabas na muna at tumango ako.

Hindi sumagot si Tito at lumabas nalang.

Sinundan ko si Tito at naabutan ko siya na nakaupo sa waiting area

"Sisisihin mo din ba ako sa nangyari sa asawa mo." sabi ni Tito kaya umupo ako sa malapit sa kaniya.

"Actually po, naiinis po talaga ako sainyo...hindi dahil isa ako sa naapektuhan ng pagdedesisiyon nyo sa buhay ni Daniel, kundi dahil hindi nyo po hinayaan na maging masaya siya sa mga gusto nito..pero nauunawaan ko din kayo dahil kaisa-isang anak nyo lang si Daniel, gusto nyo po siyang maging successfull sa paraang gusto nyo at alam nyo...at kung hindi dahil din don wala pong Thaliah.." sabi ko at ngumiti to.

"Sana po suportahan nyo nalang po ang naging desisyon namin ngayon, mahal ko po si Daniel Tito." sabi ko at tumango ito at ngumiti.

"Sige..hindi na ako magagalit o hahadlang sainyo..pasensya nadin, sana nakinig ako sayo noon noong sinabi mong girlfriend kana ni Daniel." natatawa nitong sabi kaya naalala ko yung lunch naming apat nila Tito sa bahay nila at sinabing nakikipagdate na nga si Dane kay Vanessa, sinabi kong kami na kahit hindi pa talaga kami non.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon