CHAPTER SIXTEEN

56 1 0
                                    


Gabi na nang makauwi si Dane lumapit pa to sakin dahil nakaupo ako ngayon sa swing niya dito sa garden.

"Talagang hinintay moko ah." ngiti nyang sabi saka pinisil ang ilong ko pero tinabig ko ang kamay nito.

"Bat ngayon kalang umuwi?!" inis kong tanong kaya tumabi to saakin.

"Dinala pa kase ako ni Vanessa sa bahay nila at kumain pa kami don." paliwanag niya kaya tiningnan ko siya ng masama.

"DIBA SABI KO SABAY TAYONG KAKAIN." inis kong sabi kaya napakamot siya sa ulo nya .

"Sorry na." natatawa nitong sabi kaya inis na tumayo ako saka siya iniwan at umakyat nako sa kwarto.

Nahiga nalang ako at nagkutingting nalang ng kung ano-ano sa phone ko ng pumasok si Dane at nakapambahay na siya saka ito tumabi sakin kaya nahiga ako at agad na nagtalukbong ng kumot.

"Sorry na." rinig kong sabi nito pero hindi ko pinansin yon kaya narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito at hinila ang kamay ko kaya napaupo ako at inis siyang tiningnan. "Ano ba?" asik ko, hindi tayo marupok self kaya goods yan.

"Pinaready ko na kay Manang yung pinaluto mo tas sabi ko iakyat nalang dito, movie marathon tayo." nakangiti niyang sabi kaya napalingon ako dito at tuloy napangiti ako. Bwesit talaga! Tumayo ito at inayos na ang DVD saka namili ng papanoodin namin ng may nakita ako R-18 don na for sure kina Tita 'yon.

"Don't push it Eya!" seryosong sabi nito.

"Sige na." ngisi kong sabi.

"Pag hindi ako nakapagpigil, bahala ka." sabi nito kaya kinindatan ko sya at napailing to at nagplay ng ibang CD

"Tss. KJ!" sabi ko at tumabi nato sakin.

Nanuod na kami habang hinihintay ang pagkain namin ng igalaw ko yung kamay ko sa hita nya.

"STOP!" sabi nito sabay palo ng mahina sa kamay ko samantala ako tawang tawa nanaman sa kalokohan ko.

Tumigil na muna ko ng dumating si Manang at nilagay ang pagkain namin sa lamesa .

"Thank you Manang, pakilock po ng pinto." sabi ko at kita ko ang paglingon sakin ni Dane at kasabay non ang pag-iling, tumayo na siya para ayusin ang pagkain namin kaya naupo naman na ako.

"Ano tong pinaluto mo kay Manang?" tanong niya.

"Sinigang." sabi ko.

"Hilig mo sa sinigang." sabi nito kaya natawa ako at nagsimula na kaming kumain.

"Kala ko kumain kana don." sabi ko.

"Konti lang kinain ko. Ayoko ng luto don." sabi nya. Diba sabi sainyo maarte tong si Dane e.

"Ahhh." sabi ko nalang.

Pagkatapos kong kainin si Dane este yung sinigang pala. HAHAHAHA.

Tinabi na muna niya ulit don yung pinagkainan namin saka naupo ulit sa tabi ko at niyakap ko siya tas nakaunan yung ulo ko sa dibdib nya, ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko na kingiti ko.

"Dito ka matulog, please." sabi ko at inangat ko pa ang mukha ko para makita ko siya at tumango to kaya naman pumikit ako at mas lalo syang niyakap.

"Hindi ka naba manunuod?" tanong nya at umiling ako kaya tumayo to at pinátay na ang TV saka tinawag si Manang para kunin yung tray na may laman na mga plato, after non ay pinátay nadin niya ang ilaw, tanging lampshade nalang ang iniwan nyang nakabukas at tumabi nato sakin at niyakap ako. Ilang sandali ang namayani ng...

"Dane." tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm." sagot lang nya.

"Bakit mo pakakasalan si Vanessa?" tanong ko at hindi sya nakaimik agad.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon