CHAPTER THIRTY SEVEN

43 3 0
                                    

Nakita ko si, Tali na nakaupo sa may sofa at inaayusan 'to ni Lyca.

"Si Dane?" tanong ko tsaka naupo sa tabi ni Tali.

"Nasa birthday party po, inaantay ka nga po namin magising dahil susunod daw po tayo." sabi nito kaya kumunot ang noo ko.

"Ba't hindi nalang ako ginising, at tsaka party? Ang aga naman ata." tanong ko sabay kuha nong chocolate ni Tali sa table at kinindatan 'to.

Kumibit balikat lang siya, mukhang hindi naman niya alam kaya naligo na ako.

Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo na muna ako ng buhok at may kumatok.

"Ma'am, tapos na po kayo?" tanong ni Lyka kaya tumayo ako at binuksan.

"Magbibihis pa lang, bakit?" tanong ko.

"Ito daw po ang suotin nyo, Ma'am." sabi nito kaya kunot-noong kinuha ko 'yon. White dress?!

"Bakit, white dress?" tanong ko.

"Uh..ano po kase..a-ayan po yung theme ng party po nong friend ni, Sir!" sabi nito at napatango nalang ako, ang weird ng taste niya ha.

"Sige, bihis na muna ako." sabi ko nalang at tumango ito.

Halos kalahating-oras ay natapos na din ako dahil diko alam kung anong gagawin ko kanina sa pahabol pa ni, Lyka na flower crown. Ang ganda sana, kaso ang weird talaga.

Birthday party pero parang pang-wedding, jusme.

Nang makita ko na ang reflection ko sa salamin ay napangiti ako, para naman akong ikakasal ngayon.

Natatawa akong lumabas ng kwarto at naabutan na sila sa sala ulit.

Nakasuot din si, Thaliah ng flower crown so hindi na ako masyadong nadya-dyahe.

Paglabas namin sa Resort ay may nilabas si, Lyka na blindfold at nakatingin to sakin at natatawa.

"Hoy, gagi! Ano 'yan!? Abducted ba 'to?" tanong ko at napailing naman si, Thaliah.

"Just follow the rules nalang, okay." sabi nito at nagsa-sign ito kay Lyka na ilagay na sa mata ko, gosh. Ang lakas ng sapak nong may birthday, ha! Kung sino man siya, lagot talaga siya sakin.

Agad na napahawak ako sa braso ni Lyka dahil wala na akong makita.

Inalalayan naman nila ako ni Thaliah at naglakad na kami, saan ba kami pupunta? Masyadong pa-suspense tong party, ha!

Ilang minuto pa ay tumigil na kami.

Wala akong marinig kundi isang musika lang na kanta ni Juris na Baby, I do. What is happening?!

"Lyka, andiyan ka paba?" tanong ko at maya-maya ay may humawak na sa kamay ko at ang isang kamay naman ay inaalis ang piring sa mata ko. Gosh, finally!

Minulat ko ang mata ko pero nanlalabo pa din.

Nang maaninag ko na ang paligid ay nanlaki ang mata ko.

"D-Dane...w-what is this?" mahina kong sabi.

"Diba sabi ko naman sayo, kaya kitang pakasalan anytime, anywhere. Kahit anong oras o araw man yan." sabi nito at napatingin ako sa paligid.

"I'm..I'm just....joking..y-yesterday.." mangha kong sabi habang pinagmamasdan ang paligid.

"Ayaw mo ba?" tanong nito kaya napatingin ako sa mata niya.

"T-totoo ba 'to? Baka..prank lang 'to?" naiiyak kong sabi at umiling 'to.

"Gosh. I'm-- I'm really marrying Dane." sabi ko sa sarili ko na naiiyak.

"Wait lang..can I breath?" tanong ko at natawa naman siya, tumalikod muna ako at huminga ng paulit-ulit at muling humarap pero totoo nga, may priest kaya totoong ikakasal kami.

Am I ready to married with this guy? Ang alam ko lang ngayon mahal ko siya at whatever happen to us, after this ay hindi ako magsisisi, kaya yes. I marry him!

Tumango ako at ngumiti siya sakin.

He guided me towards the door at dito ko narinig ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pagbukas nang pinto ay mas naiyak ako dahil narinig ko naman ngayon ang Beautiful in white na kanta ng Westlife. This is in acoustic wedding version and I immediately cried. Nakita ko sila Lola at Thaliah na nakangiti sa akin.

We walked a pile of white and pink tulips scattered on the floor. Kung paano nagawa ito within an hour, di ko na alam. Sobrang nakaka-amaze na nakakakaba, nanaginip lang ba ako? or what! Tumingin ako kay Daniel at nakatingin din siya sa akin at ngumiti.

Dahan-dahan ko nang nakita ang mga nakaupo. I noticed now that these are the staff of Lola Marie here.

Nang nasa tapat na kami ni Father ay tiningnan niya ako at hinawakan ang kamay ko para halikan.

"Fúck, this is it. You are really mine, now" sabi niya pero agad niyang kinagat ang labi niya at tumingin sa pari. "Sorry, father." at natawa naman ang mga bisita. He put my arm around his, and he guided me towards the seat.

Everything turned out okay, and I get to be a bride at the end. I don't know how to explain this to our parents pero, alam ko maiintindihan nila kami. We're not young, anymore.

Nagstart ng magdasal si, Father tsaka niya sinabi ang kanina ko pa inaantay na sabihin nito.

"Do you take Elyanna as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, from better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part." sabi ni Father at ngumiti sakin si Dane.

"Yes, I do." sabi ni Dane ng nakatingin lang sa mga mata ko at kasunod non ako naman ang tinanong pero ganon lang din ang sagot ko, hanggang sa magpalitan kami ng singsing.

"I annouce you husband and wife, Go in peace with Christ," sabi ni Father tsaka ako hinalikan ni Dane.

________________

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon