Kinabukasan ay inayos na namin ang bill ni Dane dahil gusto na talaga nitong umuwi.Kaming dalwa lang muna ang uuwi sa Las pinas dahil sila Mommy Mariel, yes Mommy na. Hahahaha.
Basta sina Mommy Mariel ay dadalawin muna si Lola sa resort nito.
"Sunduin muna natin si Tali?" tanong nito.
Tumango ako. "Oo, andon siya sa bahay then nagluto din si Mommy para sa lunch, kumain muna tayo don bago tayo pumunta sa house mo, okay." sabi ko at tumango 'to.
Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Thaliah.
"I-I miss you, Dad!" sabi nito at agad naman siyang niyakap ni Dane.
"I miss you, too." sabi nito sabay kiss sa noo ng anak.
"Buti naman pwede ka ng umuwi, okay ka naba talaga?" tanong ni Mommy.
"Opo, nakakabagot na din kasi don." sagot nito habang natatawa at binuhat na nga ang anak na naglalambing.
"O siya, nagluto ako. Kumain muna kayo, bago kayo pumunta sa bahay mo." sabi ni Mommy kaya tinulungan ko na ito.
Habang kumakain kami ay napalagay ako ng daliri ko sa ilong ko.
"Are you okay?" tanong ni Dane sakin at tumango ako.
Ang baho.
Parang amoy nabubulok na ewan.
Pinagpatuloy ko pa din ang pagkain ko kahit parang maduduwal ako sa naaamoy ko.
"Sigurado ka bang okay kalang?" tanong uli ni Dane sakin at tumango lang ulit ako dahil diko kayang magsalita.
Kanina pa ako nakakaamoy ng weird na amoy pero parang mas lumalala ngayon. Hays.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sa kanila na magbabanyo lang ako.
Pagpasok ko sa banyo ay tuluyan na akong nasuka ng nasa loob nako dahil parang mas bumaho.
Agad na nag-flush ako at naghilamos at tsaka nagmumog.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas pero nagulat ako ng andon si Dane nagaantay.
"Sumuka kaba?" tanong nito kaya natigilan ako at napapunas nalang sa bibig ko.
"Yes." mahinang sagot ko at nakita ko ang pagpigil nito ngumiti.
"Are you crazy?" sabi ko at nabigla naman ako dahil biglang ang bilis nagiba ang mood ko, nasobrahan yata ako sa pagod mula kahapon.
Maglalakad na sana ako ng hapitin nito ang katawan ko palapit sakaniya.
"W-Why?" gulat kong sabi.
"Use pregnancy test later, okay." sabi nito at agad naginit ang pisngi ko, shocks.
PREGNANCY...TEST?!!
Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito at pagpipigil na matawa.
"Nagulat ka pa talaga, Elyanna louise. This is really gonna happened after we did nang magdecide kang mag-stay sa bahay ko..." sabi neto.
Naalala ko naman ang ilang araw kong pagstay non kina Dane at ang mga gabing may nangyayari saamin kasi nga sabi ko kelangan nanaming magkababy para hindi na kumontra si Dad.
"I didn't say anything..." sabi ko at naglakad na uli.
"Nagpabili na kami ni Mommy Leona kay Manang Alma, nahalata kana din ni Mommy kanina habang kumakain tayo, napaka-imposible na ayawan mo yung hinanda niya dahil paborito mo 'yon pero hindi mo kinain dahil nababahuan ka." sabi neto.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
Lãng mạnBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM