CHAPTER EIGHTY EIGHT

12 0 0
                                    


The next morning Dilim picks me up from the hospital, and we arrived home. He doesn‘t let go my hand from the cab to the elevator, argh...kinikilig ako. “Hindi mo naman kailangan hawakan ang kamay ko. I‘m okay with walking.” kunwari seryosong sabi ko at natawa naman siya ng mahina.

“Nagaalala lang ako. Hindi ba ako pwedeng magalala sa girlfriend ko, ha?” tanong nito at pinalo ko naman ng mahina ang braso niya na kinailing nito.

“Wala naman akong sinasabi ah.” sabi ko.

“Yeah sure.” sabi nito at pagdating nga namin sa tapat ng apartment namin ay habang binubuksan nito ang pinto ay niyakap ko siya, ngumiti naman ito at pagkabukas nga niya ay niyakap niya din ako. “Do you want to hug here outside?” tanong nito at tumango ako na kinatawa niya ng mahina at papasok na sana kami ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

“Hey, Lala! Anong ginagawa mo dito?” nakangiti kong tanong.

“Wala. Pumunta lang ako dito para ipaalam sa‘yo na, yung kapatid ko na ang mamamahala ng lease.” nakangiti niyang sabi na kinakunot ng noo ko.

“Ha? Akala ko ba ikaw?” tanong ko.

“Nah. She’s older than me, so, kailangan siya ang mag-manage. So, she will be here shortly para makipagusap saiyo.” sabi niya na kinatango ko.

“Oh. That‘s so unexpected. Nakakalungkot lang na hindi na ikaw ang pupunta dito, inaasahan ko pa naman na kapag maniningil kana saakin ay pagsasarhan na kita ng pintuan.” biro ko at natawa naman siya.

“Ang bad non ha. Pero don’t worry, mabait naman si Ate.” sabi nito at tumango ako at napatingin naman siya sa mga gamit na dala ko galing ospital. “Saan ka galing?” tanong niya.

“Uh, I spend the whole night in the hospital― may hindi inaasahan na allergy reaction to peanut.” sabi ko at napatango ito. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko ng mapansin ko ang pagyuko ni Dilim, subtly reminding him he didn’t know.

“You need to be carefull. Buti nalang peanut-free yung ginawa ni Mama na cookies para sa‘yo.” sabi niya.

“Sorry, Lala, this is Dilim.” pakilala ko at kumunot ang noo niya.

“Dilim?” sabi nito at natawa naman ako.

“Ow.. I mean, his name is Dark..siya yung roommate ko.” pakilala ko.

Napatango ito. “Ahh. Ikaw pala yung nagmessage lang kay Mama.” sabi nito at nagnod lang ito. “Masaya akong makilala ka. I hope everything is going okay so far.” sabi nito at tumango uli ito.

“Yeah. Everything is perfect.” sabi nito at pinalo ko naman ito ng mahina dahil sa pilyong ngiti na binigay nito saakin. Gosh.

Lumapit naman si Lala saakin para bumulong. “He seems like a perfect boyfriend material. Ahem, do you still have plan to move to other apartment?” tanong nito na nilakasan na ang tanong sa huli kaya napalingon ako kay Dilim na ngayon ay nakakunot na saakin. “Oh. Balak kasi nitong lumipat dahil nalaman niyang guy ang makakasama nito, eh, nagpunta din ako dito para sabihin sakaniya na may bakante na.. yun ay kung―”

“Hindi! I mean, wala na ‘yon!” sabi ko na medyo kinakabahan.

Natawa naman si Lala, “So, you mean ayos kana na kasama mo ay guy―”

“He‘s my boyfriend.” sabi ko at nanlaki ang mata nito.

“Agad-agad? Wow naman...pinanindigan mo talaga ang sinabi mo saakin na maghahanap ka ng new experience dito―”

“Hey!” awat ko dito. Why she so daldal.

Dahan-dahan kong nilingon si Dilim na nakacrossed arms at may nakakakabang ngiti. Hanggang sa bumukas naman ang pinto ng elevator at lumabas doon ang magandang babae na agad namang kinangiti ni Lala.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon