GEORGE 'GIO' POV
Nakahawak ako ng mahigpit sa ulo ko habang naririnig ko ang pagsigaw ni Tali sa loob, it's time for her chemo.
Nakaupo at nakayuko lang si Tito Daniel habang hinahaplos naman siya ni Tita Eya sa likod niya.
Para akong nanghihina habang naririnig ko ang pag-iyak at pagsigaw nito sa loob. Fúck!
Mald. You can do this, I know. Matapang ka.
Huminga ako ng malalim habang palakad-lakad at hindi mapakali.
Pagkatapos nga ng ilang oras nitong pagche-chemo ay lumabas nasi Kuya Jordan at ngumiti ito saakin. "How is she?" tanong ni Tito.
"Nakatulog ito sa sobrang paghihina niya pero inaayos naman na siya ng mga nurse.. pwede kayong pumasok paglabas nong nurse nito." sabi ni Kuya at agad silang nagpasalamat. Tinap naman nito ang balikat ko. "Don't worry too much, Gio. She's doing fine. You're future girlfriend is a strong woman." mahinang sabi nito na kinatango ko.
"Thank you, Kuya." sabi nito at nagpaalam na nga siya. Nagsuot nga muna kami ng mask at lab gown pati nadin ang gloves dahil hindi namin pwedeng malanghap ang mga gamot na tinusok kay Tali.. lalo na kay Tita Eya dahil buntis ito.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang pinakamagandang babaing nasa harapan ko. She's crying in silent because of the pain but she still choose to smile when she sees us. "H–Hi, beautiful." bati ko at inirapan ako.
Malds talaga.
"Kamusta kana, anak?" tanong nila Tita.
"I–I'm fine.." mahinang sabi nito.
"Konting tiis lang.. you need to follow him para gumaling ka, okay." sabi nito at pinikit-mulat nalang nito ang mata niya to answer dahil nahihirapan nadin ito.
Tumingin naman si Tito saakin. "I know you want to talk to her.. lalabas lang muna kami ng asawa ko para bumili ng makakain, ikaw munang bahala sakaniya." sabi ni Tito na kinatango ko.
"Got it, po." sabi ko at tumayo na nga ito at inaya nasi Tita.
Naupo naman ako sa tabi nito pagkalabas nila. "L–Lumayo ka ng konti.. baka maamoy mo ang gamot." nahihirapan niyang sabi at umiling ako. "N–Napakulit mo talaga, Gio." sabi nito at hinawakan ko naman ang kamay niya at hinalikan 'yon dahil nakamask naman ako. So, it's okay.. pero sadyang maalalahanin itong mahal ko.
"G–Gio!" saway niya.
"Kamusta ang chemo mo kanina? Hindi naman masakit di ba?" tanong ko at nagnod siya saka itinaas ang kamay at pinagdikit ng konti ang thumb at hintuturo niya. "K–Konti lang.. diko nga naramdaman eh." sabi nito na kinatango ko.
"Good." sabi ko saka tumayo at kinuha ang dala kong paper bag at binigay sakaniya 'yon.
"A–Ano 'to?" tanong nito.
"Tingnan mo nalang, Malds." sabi ko at tinulungan ko siyang makaupo at makasandal ng maayos sa higaan niya.
Kinuha naman nito iyon at tiningnan ako. "Wear this, okay." sabi ko at tumango ito at kahit nanghihina siya ay pinilit niyang suotin ang bonet nito na pinalagyan ko ng name nito. "Napakagandaaaaa." nakangiti kong sabi at ngumiti ito, napayuko naman ako ng haplusin nito ang pisngi ko.
"S–Salamat dahil lagi kang andito kahit dika naman kailangan." Natatawang sabi nito at tumango ako habang nakangiti.
"Always, Malds. Always!" sabi ko at lumapit para noo naman niya ang halikan ko.
Tumayo ako para sana kumuha ng tubig ng magsalita siya. "Gusto kong gumadruate.. with you." sabi nito at hinarap ko siya.
"You can.. Tali." sabi ko at umiling siya.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
Любовные романыBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM