Hindi ko na sana sila papansinin at maglalangoy nalang ako nang marinig ko yung boses ni Ate na nakakairita."You did it. Kala ko dika na dadating." pabebeng sabi ni Ate tsaka dumating ang dalwa pang lalaki.
"May kasama nga pala ako, okay lang ba?" tanong nong boyfriend ni Ate kaya napairap ako at lumangoy palapit kina Simon.
"Silent means yes, right?" tanong nong isang kasama nito.
Hindi ako nagsalita at sinabihan sina Lianne na aahon nako.
"Eya, saan ka pupunta?" tanong ni Ate.
"Pasok nako ." sabi ko tsaka umahon at kinuha yung robe ko at susuotin ko na sana yun ng magsalita nanaman yung isang lalaki.
"Napaka perfect naman ng katawan mo." sabi nito kaya napatiim baga ako at tiningnan sya.
"Who you?" I 𝖺𝗌𝗄𝖾𝖽 with my sarcastic 𝗍𝗈𝗇𝖾.
"Um. I'm Vince! And you are, Eya right?" tanong nya tsaka nilahad ang kamay.
"Sorry hindi tayo close. At kung bisita kayo ni Ate wala akong pakialam, basta wag nyokong guguluhin! Are we clear?" tanong ko ng sinusuot na ang robe ko kaya napangisi sya at hindi ko na hinintay na magsalita pa sya at iniwan na sila don.
Pagpasok ko naabutan ko si Mom na prenteng nakaupo sa couch habang nagbabasa ng Magazine kaya nilagpasan ko nalang sya pero tinawag ako neto.
"What do you need?" tanong ko.
"Mukhang close kayo ni Elaine?" tanong ni Mommy kaya kumunot noo ko.
"Bakit bawal ba?" tanong ko.
"Hindi naman, nagtataka lang ako e alam kong galit kasa kanya." sabi nito kaya natawa ako ng mahina.
"Nagkaayos na kase kami. At tsaka nasabi ko na sa kanya ang lahat-lahat!" sabi ko dito na may diin pa sa huling sinabi ko kaya naman nagiba ang reaksyon nya.
"Bat mo sinabi sa kanya ha?! Nababaliw kana talaga, naghahanap kaba ng kakampi dahil iniwan kana ni Daniel?" tanong nito kaya sa pagkakataon na yun naginit na talaga ang dugo ko kay Mom kaya kinuha ko yung nasa tapat nyang Juice at binuhos sa kanya yon.
"H-How dare you!" sigaw nito.
"Anong klase kang ina! Wala kang kwenta!" sigaw ko.
"Manang-mana ka talaga kay Le—
"Anong nangyayari dito?! Eya!" saway ni Daddy kaya napairap ako at lumapit nadin samin sina Ate.
"Bat kaba galit na galit sa Mommy mo ha?!" halos pasigaw na tanong ni Daddy.
"Hayaan mo nalang sya Honey.." sabi nito kaya natawa ako ng malakas.
"Wow best actress! Gusto mong malaman Dad?!" tanong ko.
"E-Eya!" saway sakin ni Ate pero hindi ko sya pinansin.
"Ano bang hindi ko alam dito ha?!" tanong ni Dad na palipat-lipat ang tingin samin ni Mom, pati nadin kay Ate.
"H-Huwag kang maniwala kay Eya!" sabi ni Mom kaya napailing ako.
"Eya sabihin mo sakin ano ba yon?!" tanong ni Dad sabay hawak sa magkabila kong braso, hindi agad ako nakasagot pero hinawakan ni Daddy ng sobrang higpit yung braso ko.
"M-muntik nakong m𝖺matay non Dad .. D-dahil kay Mommy!" umiiyak kong sabi kaya kumunot ang noo ni Dad.
"ANO BANG SINASABI MO HA?!" sigaw ni Dad.
"D-do you remember? Two years ago naaksidente ako non at nabaril na halos ikamatay ko at na-comatose pako ng ilang buwan non, p-plinano lahat yon ni Mom!" sabi ko ng umiiyak.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
Storie d'amoreBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM