Nang makarating ako sa bahay nina Lianne ay agad kong pinark sa gilid lang, buti nalang talaga walang traffic.Agad nakong bumaba at nilock yung kotse at agad na nagdoorbell.
"Hi po Ma'am!" bati nong Maid ni Lianne tsyka ako pinagbuksan kaya naman nginitian ko sya at pumasok na.
"Waaaahhh. My friend!" sigaw ni Simon kaya napalagay ako ng daliri ko sa tenga ko.
"How's your meeting?" tanong ni Simon saka nakipagbeso sakanila.
"Okay lang ." sabi ko at naupo nasa mataas na bangko at pinagcross ang hita ko.
"Ahh." sabi nito .
Agad kong ginala ang mata ko at hindi ko makita si Vincent.
"Asan si Vincent?" tanong ko.
"Nakipagdate? Bakit? Selos ka?" tanong ni Lianne kaya napairap ako
"Asan nga?!" tanong ko kaya natawa sila at bigla nalang may nagkiss sa cheeks ko kaya naman muntik ko na siyang masampal.
"Hey. Kiss lang sa cheeks e!" natatawa nyang sabi kaya napangiwi ako.
"What's plan today?" tanong ko at nakidampot nadin ako ng kinakain nilang kutkutin
"Bar tayo, tas hanap tayo pogi." sabi ni Lianne kaya agad syang inirapan ni Simon.
May something na talaga dito sa dalwa. Pakipot lang talaga tong si Simon!
"Sige GO ako dyan!" sabi ko kaya agad akong siniko ni Vince.
"What? Gusto kong maghappy today, wag kang Kj dyan! Puntahan mo nalang girlfriend mo." sabi ko at napailing nalang sya.
"Kung dito nalang kaya, mas safe pa dito." sabi ni Vince saka ako niyakap kaya naman hahampasin ko sana siya pero hinalikan lang uli nito ang pisngi ko, he is courting me kahit sabi ko wag na dahil hindi ko maipapangakong magkaka-gusto ako sakaniya.
"No!" sabay naming sabi ni Lianne tsyka nag apir pa kaya napailing si Vince at biglang may tumawag dito.
"Hello?" sabi nito kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya.
"Fúck?! Buti napatawag ka—wait lang ha." sabi niya kaya tumango ako at lumayo na sya.
"Ano tara?" tanong ko.
"Game ako dyan." sabi ni Lianne at tumayo nato at nagsayaw pa.
"Hoy Lianne! Lumayo layo kana nga kay Eya! Nahahawa ka masyado sa kanya e." sabi ni Simon kaya natawa kaming pareho.
Agad ko ng inayos ang sarili ko ng lumapit na samin si Vince.
"Ano, tara na?" naeexcite kong tanong.
"Okay fine. Pero konti lang ah! Hindi kita mababantayan e." sabi nito kaya tumaas ang isang kilay ko.
"Ano naman ngayon? Mas okay nga yon walang istorbo." sabi ko at sinayaw sayaw pa yung dalwang kamay ko.
"Tss. Sige na alis nako! May kikitain pako, bye! Ingatan nyo tong Samonte ko ahh." sabi niya kaya inirapan ko sya at ramdam ko nalang ang paghalik nya sa ulo ko at patakbong lumabas.
"Tss!" sabi ko nalang.
"Hoy babae! Limang taon na oh? Wala kang balak sagutin si Vincent?" tanong nya.
"Wala." tipid kong sabi kaya binatukan nyako.
"ANO BA?!" sigaw ko.
"Engot mo kasi diba? Ang perfect na kaya ni Vince." sabi nito.
"Tss. Anong gusto mong gawin ko ha? Paasahin ko sya. Kung gusto mo kayo nalang, type mo ata eh." sabi ko.
"Don't tell me si Daniel padin ha?" sabi nito kaya natigilan ako ng bigla nyang binanggit ang pangalan ni Dane.
"Hindi no." tipid kong sabi.
"Ayusin mo girl. May asawa na yun no! For sure may anak na yun—
"Alam ko. Wag mo ng sabihin pa!" sabi ko at inis na tumayo .
"O saan ka pupunta?" tanong ni Simon.
"Uwi nalang. Mukhang ayaw nyo namang magbar e." sabi ko at akmang aalis na ng hilahin nila ako.
"Ano kaba. Gusto namin no! Gorabels ." sabi nito kaya naman lumabas na kami at ginamit namin ang kotse ko.
Pagkadating namin sa Bar ay halos mawindang ako sa dami ng tao.
"Anong meron? Diba last week lang andito tayo, hindi naman ganto." tanong ko.
"Ewan. May party ata!" natatawang sabi ni Lianne, kaya napakibit balikat nalang ako.
Agad kaming lumapit sa counter at umorder .
"One Manhattan please!" sabi ko .
"Whiskey and Manhattan here." sabi naman ni Lianne.
Agad kaming pinagsalin nong Bartender at inabot yun samin kaya naman agad kong inamoy yun.
"Hmm. I miss this!" sabi ko sabay inom non.
"Hoy nagiging lasinggera kana ah." sabi nito kaya napangiti lang ako.
"Anong balak mo this year?" tanong ko kay Lianne na hindi pinansin ang sinabi nito.
"Um. Nagaapply ako ngayon sa culinary! May bagong bukas kasi ngayon sa Las pinas na resto, malapit lang saatin." sabi nito at napatango-tango ako.
"Balita ko masarap daw silang magluto, dagdag points pa daw yung kapogian nong chef!" kinikilig na sabi ni Lianne.
"Wow. Makapogi ka naman, nakita mo?" asar na sabi ni Simon kaya natawa ako ng mahina.
"Hindi, pero balitang-balita sya and sikat sya sa social media." sabi nito.
"Hmmp! Edi sya na pogi." sabi ni Simon saka umirap pa.
"Selos ka naman." pangaasar ko.
"Hindi no, slight lang!" sabi nya at natawa kaming pareho ni Lianne.
"Isa pa!" sabi ko sa Bartender at binigyan naman nyako ulit kaya ininom ko na yun at nagsign pa ulit ako ng isa.
"Hoy babae. Alak yan hindi tubig, ano kana?" awat ni Simon pero kinidatan ko lang sya at ininom ulit yon.
"Try ko yung Rye Whiskey." sabi ko sa Bartender .
"Eya." saway nito.
"Sino ba may kasalanan nito! Kayo diba?!" kunwari galit ko.
"Ts. Balaka girl! Hindi ka namin bubuhatin." sabi nito kaya tumayo ako at nagsayaw sa harapan nila.
"Oh diba, sinong lasing?" sabi ko na umiikot pa kaya natawa to hanggang sa natapilok yung paa ko at naout of balance ako. Buti nalang talaga may nakasalo sakin.
Agad kong nilingon ang lalaking nakasalo sakin pero dahil madilim sa Bar tas nakamask pa sya ay hindi ko maaninag yung mukha nya pero langhap na langhap ko yung perfume nya at hindi ako pwedeng magkamali .
"Eya! Sabi ko naman kase sayo e." sabi ni Simon at agad naman akong tinayo ng maayos nong lalaki at tinalikuran nako.
"D-Dane—
"Ano bang sinasabi mo ha?" saway sakin ni Lianne kaya naman nakaalis na yong lalaki.
"Si D-Dane." sambit ko na ang bilis-bilis ng kabog ng dibdib ko.
"Lasing kana nga! Maupo ka nga dito." sabi ni Simon kaya bigla akong napahawak sa ulo ko at napapikit ng mariin.
"Uwi na tayo." sabi ko at tumango sya, kumuha ako ng pera sa bag ko at binigay yun sa Bartender at naglakad ng palabas at pumasok nako sa kotse ko at pumikit.
KINABUKASAN
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko kaya naman kahit nakapikit ay kinapa kapa ko padin to at pilit hinahanap ang pagstop nong tunog ng hindi ko mahanap kung saan ay binato ko to.
"Argh!" daing ko habang hawak ang ulo ko tsyka naupo ng maayos at tiningnan ang sarili ko at tumayo na at dumeretso sa banyo para maghilamos.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
Любовные романыBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM