CHAPTER FORTY TWO

49 1 0
                                    

STILL VICENTE POV

Pagka-dating namin sa bahay ay nagpatulong kami sa security na nasa labas.

Nasa Village kasi kami nakatira dahil ang bahay talaga namin ay sa cebu.

"Buti nalang wala pa si Ma'am Lana." sabi nito tsaka pinagbubuksan ang mga box at hinanap yung peanut.

"Magluluto ka palang?" tanong ko.

"Oo, pero nakapagpakulo nako ng baka." sabi nito at ngumiwi nalang ako. Inayos ko na ang mga pinamili namin habang nagluluto ito.

"Sir, kamusta ang pagiging single?" tanong nito at napatiim-baga ako saka huminga ng malalim.

"No hurt feelings, Sir. I'm just asking, alam mo na." sabi nito na parang ewan.

"Handa ka bang mawalan ng work this week?" tanong ko at natawa siya .

"HAHAHA. Funny mo Sir, by the way po--"

"Ayokong magkwento, okay." sabi ko .

"Sinasabi mo sir, itatanong ko lang naman kung hilig mo din ang kare-kare, favorite kasi ni Ma'am Lana." natatawa niyang sabi.

"Tapusin mo 'yan." inis kong sabi at iniwan na siya habang hindi pa ako tapos sa pagaayos ng mga pinamili namin.

"Siiiir!" tawag nito pero hindi ko siya pinakinggan at umakyat nalang sa itaas.

Nahiga ako at kinuha ang phone ko at agad ngumiti ng makita ang wallpaper ko. Si Eya, ang pinakamamahal kong babae pero alam kong hindi na siya mapapasakin pa kaya kailangan ko na siyang kalimutan na dahil ako lang ang masasaktan.

Agad akong umupo at kinuha ang controller ko, maglalaro nalang ako dahil paniguradong maaalala ko lang siya hanggang mamaya.

_____FAST FORWARD_____

Naglalaro pa din ako ng may kumalabit sa balikat ko kaya napalingon ako at nagulat ng makitang ang lapit ni Karen sakin pero hindi sya nakatingin sakin at nakatutok lang ang tingin niya sa nilalaro ko.

Lumayo ito ng konti at pinagcross ang mga braso niya

"Hoy." tawag ko dito at napabalik to sa huwisyo niya.

"Ay Sir!" sabi nito.

"Ano nanaman bang ginagawa mo sa kwarto ko, ha?" tanong ko at hinarap siya.

"Naglalaro pala kayo niyan." sabi nito at tiningnan ko ang nilalaro kong spiderman.

"Bakit may problema ba?" tanong ko at umiling to pero tumatawa.

"Labas." sabi ko dahil pagtitripan lang ako ng babaing to.

"Eh Sir sasabihin ko lang naman na tapos na po akong magluto, i-arrange yung mga pinamili natin, naghugas nadin ako Sir." sabi nito habang iniisa-isa nito iyon sa daliri niya.

"Alam mo sir pag pinaalis ako ni head boss dahil hindi ka nanaman papasok, pupunta talaga ako dito at dito magtatrabaho sa ayaw mo man o sa gusto." banta nito.

"Sige na umalis kana." irita kong sabi.

"Sige po." sabi nito sabay yuko at patakbong bumaba. Tumayo naman ako at sumunod sa kaniya. Napansin kong alas-nuebe na ng gabi. Oo nga hapon na pala din kami nag-grocery ni Karen.

"Kumain kana ba?" tanong ko ng makita tong inaayos na nito ang gamit niya.

"Sir...hindi pa eh..anong oras nadin kasi tas...baka wala na po akong masakyan sa labas ng Village sir." sabi nito at kumuha ako ng plato.

"Kumain ka muna, ako na maghahatid sayo. Wala ka ng masasakyan na jeep o taxi." sabi ko at hindi ito nagsalita kaya nilingon ko siya at nakangiti ito.

"Anong nginingiti-ngiti mo?" tanong ko.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon