CHAPTER NINETY NINE

11 0 0
                                    

Pagkarating ko nga sa restaurant ay agad ngumiti si Dilim saakin. “Good evening beautiful.” bati nito saka ako hinalikan sa pisngi ko.

“Come on.” aya nito at pinaghila na nga niya ako ng upuan at naupo na kaming pareho.

“So kamusta ang araw mo ngayon?” tanong ko.

“Not great. I hate wearing a dámn tie day in, day out too.” sabi nito.

“I hate it too. Mas pogi ka pag nakasuot ka lang ng apron.. no shirt inside..” sabi ko at lumiit naman ang tingin nito.

“Hmm. Nagiging pilya ka nanaman ah.” sabi nito na kinangiti ko lang. “Eh ikaw, kamusta ang araw mo ngayon?” tanong nito.

“It was great. Naipasa nanamin ang project namin, and nakatanggap ako ng phone call mula sa committee para iinform ako na I was innocent, always innocent.” sabi ko at ngumiti naman ito.

“Good news yan ha.” sabi nito at tumango ako, huminga naman ako ng malalim at inaantay nalang ang susunod nitong gagawin. Did he really buy me a ring?

Nang dumating nga ang waiter para dalhan kami ng champagne, ay agad may nilagay si Dilim na box sa harapan ko.

Binuksan ko naman ito at kumunot ang noo ko na ang makita ay isang gold key habang may nakasabit na keychain at nakasulat doon ang mga initials naming pareho.

“Ano ito?“ tanong ko.

”What do you think?” sabi niya na kinatawa ko ng mahina.

“Balak mo bang maging manghuhula ako? Fine.. susi ba ito ng kwarto ng ... Lolo mo?” biro ko na kinatawa niya ng mahina.

“That‘s the key of our house, own house.” sabi nito na kinaseryoso ko.

“Dilim...” pero hindi na niya ako pinagsalita pa at hinalikan na niya ako.

“I love you.” sabi nito.

“I love you too.. But magkano ang nagastos mo dito―”

“No need to ask.” sabi nito.

“Can I pay the half? May savings din naman ako..” pero dinampian lang niya ako ng halik.

“Like I said, no need. Binili ko ang bahay na yon, for us.. Gift ko yon saatin once na ikasal na tayo.” sabi niya at tumayo ako para yakapin siya.

“Thank you! I can’t wait na malipatan ang bahay na binili mo, I can’t wait to make more memories with you.” sabi ko.

“Masaya akong marinig yan.” sabi nito saka naupo na nga ako at pinakatitigan ang susi na hawak ko.

“Magre-restroom lang ako mahal.” paalam nito na kinatango ko. Hindi ko naman mapigilan ang saya ko kaya naman agad ko sanang imemessage si Ate para ipaalam yon but to my surprise ay meron na itong dalawang message.

[Ate Tali♡]

I think you need to look at this.

Message nito saka ko naman chineck ang litratong pinasa ni Ate at sandaling sumikip ang dibdib ko sa nakita ko. A picture of Cici wearing a diamond ring on her finger. At may title pa ng “New Queen of Harrison family is on the way!” Wait... Kaya ba nasa jewelry ito?

Napailing ako pero bumalik naman si Dilim at agad akong napatingin sakaniya at may kinakausap ito sa phone niya. “Yeah, sure.” sabi nito saka nagpaalam na nga at tumingin saakin.

“Hey, ayos kalang? Bakit parang nakakita ka ng multo?” tanong nito at agad ko ngang nilapit ang cellphone ko sa harapan niya at kinuha naman niya yon saka binasa ang nakalagay.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon