CHAPTER FORTY ONE

52 1 0
                                    


Ilang minuto pa akong nag-antay ng dumating ito.

"Hindi ka uupo?" tanong ko ng makitang nakatayo pa din ito kaya huminga siya ng malalim at naupo nasa harapan ko.

"Ano bang paguusapan natin?" tanong nito ng hindi man lang tumitingin.

"Ang Mommy mo, pagsabihan mo siya na wag ng pupunta sa opisina dahil baka susunod hindi lang masasama na salita ang maisabi ko sakaniya." simula ko.

"Bakit, ano bang nangyare?" tanong nito.

"Sumugod lang naman siya at nagalit dahil sa ginawa ko sayo, alam mo maiintindihan ko ng murahin niya ako o laitin at saktan pero wag na wag niyang idadamay ang Mommy ko, kilala mo ako Vincent, wala akong respeto kahit sino pa 'yan." sabi ko dito.

"Sinaktan ka niya?" tanong nito at hindi ako sumagot. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Wag kang magalala, sasabihan ko siya." sabi nito at tumayo na.

"Vincent." tawag ko dito.

"Bakit may sasabihin ka paba?" tanong nito kaya tumayo ako at hinarap siya, buti nalang kami lang ang customer ngayon sa coffee shop kaya okay lang na medyo lumakas ang boses namin.

"Ano bang problema mo, ha?" inis kong tanong.

"Nagsorry na ako, Vincent." sabi ko dito at tumawa ito ng mahina saka ako hinarap.

"Hindi mo ako naiintindihan, Eya. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, you should considerate my feelings first bago ka sana nagpakasal kay Daniel, maiintindihan ko naman pero sana kinausap mo man lang ako dahil umasa ako, Eya. Umasa ako sayo." mahina nitong sabi.

"I'm sorry." sabi nito saka naglakad na at nilagpasan ako.

"H-Hindi naba tayo mababalik sa dati, Vince. I-importante ka din sakin kasi kaibigan kita." sabi ko dito.

Nakatalikod kami sa isa't-isa kaya diko siya nakikita, naramdaman ko ang pagyakap niya sakin mula sa likod.

"Give me some space and time, Eya. Magkakaayos din tayo, hindi muna siguro sa ngayon. Sobrang sakit kasi talaga, at kapag dumating ang araw na hindi na masakit , ako mismo ang lalapit sayo." sabi nito kaya tumango ako tsaka niya ako pinakawalan at napayuko nalang ako.

Narinig ko pa ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya alam kong wala na ito.

Napaupo nalang ako at tiningnan ito sa labas na papasakay sa kotse niya.

VICENTE POV

: Wala na akong masyadong maisip kaya kay Vince nalang muna tayo hahahaha.

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Mommy na may kausap sa phone niya.

"Pwede po ba tayong magusap?" tanong ko dito at tumingin muna siya sakin bago niya ulit kinausap ang nasa phone.

"I call you later." nakangiti nitong sabi tsaka naman niya tinuon sakin ang tingin.

"Ano ba 'yung sasabihin mo, hindi mo ba nakita na may kausap ako." sabi nito.

"Wag na kayong pumunta sa opisina nila Eya, naiintindihan nyo po ba ako?" sabi ko.

"Nagsumbong pala sayo ang magaling na babaing 'yon." natatawa nitong sabi tsaka nagsindi ng sigarilyo at hinithit 'yon.

"Tatakutin ko lang naman sana 'yung babaing yon pero mukhang anak pala ng demonyo ang nakausap ko." natatawa nitong sabi sabay hithit ulit ng sigarilyo nito.

"Ma naman!" mahinang sabi ko.

"Bakit ba ha, ginanti lang kita sa Eya na 'yon. Akala mo kung sinong magaling kung magmataas, anong sabi ko sayo noon? Sasaktan kalang niya, oh diba tama ako." sabi ni Mom kaya huminga ako ng malalim.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon