CHAPTER NINETY TWO

15 0 0
                                    


“Kilala mo?” mahinang tanong ko kay Ate at umiling ito saka kumibit-balikat.

”Nope.“ sabi nito at tiningnan lang naman ito hanggang sa magsalita siya.

“Excuse me, you’re Daniella, aren‘t you?” tanong nito na kinakunot ng noo ko.

“Ako nga, bakit?”

“Then kilala mo si Dark?” tanong nito na kinaseryoso ng mukha ko.

“Bakit mo tinatanong?” saad ko dito saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa.

“I‘m just asking. So, may kilala ka bang Dark o wala?” tanong nito.

“Wala akong kilalang Dark.” sabi ko at napatitig si Ate saakin.

“Are you sure? Hindi ba kayo magkasama sa iisang bahay?” tanong nito at ngumiti ako.

“Sigurado ako na wala akong tinatawag na Dark sa apartment ko.” Hindi ko sasabihin hanggang hindi ko nalalaman kung sino ba itong babaing ito. “Baka nagkakamali kalang.” sabi ko at ngumiti uli ito.

“Sorry. By the way, I‘m Cici, naghire kasi ng investigator ang Lolo ng fiance ko, at sinabing nakita daw ito na pumasok sa building na tinutuluyan mo.” sabi nito na kinahawak ko ng mahigpit sa hawak kong kutsilyo para sa panghiwa sa kinakain namin ni Ate.

FIANCE?!!!

Napatawa naman ako ng sarkastiko saka ito hinarap. ”Nagpapatawa ka ba?” tanong ko at umiling ito saka pinakita saakin ang hawak niyang papel na may address ng tinutuluyan namin at andon nga ang buong pangalan ni Dilim. I do everything I can do para itago lamang ang gulat saakin, nakaramdam ako ng pagsakit sa dibdib ko pero hindi ako basta maniniwala dito, kilala ko si Dilim. Hindi ito magsisinungaling saakin.

“I hate to break it to you pero sobrang laki ng building na tinutuluyan ko.“ inis kong sabi at magsasalita pa sana ito ng pumagitna na si Ate.

“You know, it’s incredible rude to run up to a pair of ladies you don’t know and assume we know what on earth you’re talking about!” seryosong sabi ni Ate sakaniya.

Yumuko naman ang babae saamin. “I know. Forgive me. It was extremely rude of me, and I apologize.” sabi nito at hindi ako nagsalita at tumingin nalang sa labas habang malalim ang iniisip, nagpaalam na nga ito at napalingon si Ate saakin.

“What‘s going on?” tanong nito at huminga ako ng malalim.

“Hindi ko alam.” sabi ko .

“Kausapin mo yan si Dark ha!” sabi nito at tumango ako.

Pagbalik ko sa apartment namin ay naabutan ko si Dilim na nakatopless habang naglalagay ng mga gamit sa box.

“Hey.” bati nito at ngumiti ito saakin at di ito makalapit para yakapin ako dahil pawis na pawis ito sa pagaayos ng iba naming gamit.

“Sorry, pawis ako.. mamaya nalang yung yakap mo.” sabi nito at pinilit kong ngumiti.

“Kailangan mo ng tulong?” tanong ko at umiling ito saka tiningnan ang mga box na naayos na niya.

“Ayos na muna yan, inuna ko lang yung mga hindi ginagamit para konti nalang ang gagawin sa susunod.” sabi nito at tumingin ito saakin ng manahimik ako. “Ayos kalang?” tanong nito pero di ako sumagot kaya ngumiti ito saka lumapit para idampi ang labi nito at nagsimula muli siyang magusog ng mga box.

“Para saan yon?” tanong ko at natawa naman siya habang binubuhat ang maliit na box.

“Bakit hindi ko ba pwedeng halikan ang girlfriend ko.” sabi nito saka ngumiti saakin.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon