CHAPTER FIFTY NINE [BOOKTWO]

29 1 0
                                    

TITLE: MY DESTINY [BOOK TWO]
GENRE: ROMCOM| TEEN FICTION

Daniella 'Dani' Sebastian

Nakapangalumbaba ako habang nginunguya ang mani na nasa harapan ko. "Ang kunat naman nito." saad ko sabay simangot.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito, Dani?" tanong ni Mela, kaibigan ko.

Kasalukuyan kaming nasa Baskteball court kung saan inaantay namin si George. The Captain in basketball.

Crush ko na siya since makita ko siya na nagpa-practice kasama ang mga ka-team nito dito sa SCU. Ewan ko ba? Siguro dahil ang gwapo-gwapo nito? or baka naman dahil siya talaga ang destiny ko.

Gustong-gusto ko kasi ang story nila Mommy and Daddy, magbestfriend sila.

Lagi kaming kinikilig ni Ate Tali noon kapag kwinekwento saamin ni Tita Elaine ang naging Love story nila.

Gusto ko kasi yung kahit ilang taon na kaming magkahiwalay ng taong mahal ko ay siguradong mahal pa 'din niya ako, ako lang, wala ng iba. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatingin siya sakin. Waaah. He's coming! Napaayos ako ng upo ng lumapit ito sakin.

"Hi!" bati ko sabay tayo at inabot sakaniya ang towel na nasa balikat ko.

"For you, George." sabi ko sabay ipit ng buhok sa gilid ng tainga ko. Grabe, ang landi ko pero keri lang. [Jusko, manang-mana sa Nanay itong si Dani]

"Ikaw ba si, Daniella?" tanong nito at lalo akong kinilig ng malamang alam pala nito ang pangalan ko. Agad akong tumango at ngumiti sakaniya. "Yes, ako nga, alam mo pala ang pangalan ko." sabi ko.

"Oh, yeah, nalaman ko lang sa ka-team ko." sabi nito ng napapakamot saka may inilabas sa likod nito, isang paper bag at inabot sakin.

"For me?" masayang tanong ko at ng bubuksan ko na sana ay bigla nitong pinigilan ang kamay ko.

"No!" sabi nito at tila nagalangan pa.

"Sorry, Daniella. It's not for you." sabi nito at nawala ang ngiti ko at tiningnan si Mela.

"Para kay Mela?" tanong ko at umiling to.

"Eh kung hindi para kay Dani at sakin yan edi kanino?" tanong naman ni Mela sakaniya.

"It's for your Ate Thaliah, she's your sister diba." nakangiti nitong sabi at nawala lalo ang ngiti sa labi ko.

"A-Ahh. Yes, sh-she's my sister." sabi ko sabay yuko.

"Eh ba't kaya hindi nalang ikaw ang magbigay nito sakaniya!" diko mapigilan magsungit, at napakamot naman siya sa ulo niya.

"Nahihiya kasi ako. Sige na, please... Promise, babawi ako sa'yo next time." sabi nito habang nakahawak sa balikat ko at nong hindi ako sumagot ay kumindat na ito saka tumakbo na para ipagpatuloy ang practice nila, juskooo.

At nang makaalis na ito ay napairap agad ako at huminga ng malalim. "Para kay Ate daw, tara na." sabi ko at kinuha na ang bag ko at inaya na paalis si Mela.

Ngunit paakyat na kami pabalik sa classroom ng matapilok ako at mahulog sa hagdan buti nalang at medyo malambot ang sahig? Huh?  Wait lang! Inangat ko agad ang tingin ko at nakapatong ako sa lalaking napapapikit na ata sa sobrang sakit.

Tumayo agad ako at nagpagpag ng palda ko. Dinampot naman ni Mela ang mga gamit ko at tiningnan ko naman ang lalaking nakaupo na. Wait si... si ano to ah.

"Hindi ka ba marunong umakyat ng maayos?" tanong nito at napayuko ako.

"Sorry naman na." nakasimangot na sabi ko.

Masama siyang tumingin sakin at sinubukang tumayo kaya aalalayan ko sana siya pero tiningnan lamang niya ako lalo ng masama. "Kaya ko ang sarili ko, hindi ako lampa tulad ng iba." sabi nito at napasimangot ako at tiningnan din siya ng masama ng makatayo ito ng ayos, agad nitong dinampot ang bag na hawak nito.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon