CHAPTER SIXTY FIVE

14 0 0
                                    

Pagpasok ko ay kaagad kong niyakap si Ate at umiyak. "S–Sorry!" mahinang sabi ko.

"Bakit ka nagsosorry?" mahinang tanong nito habang binubuklat ang librong nasa harapan niya.

"Kasi.. kasi.. boyfriend ko si Dilim." sabi ko at huminga siya ng malalim.

"Wala naman akong paki kung kayo na." sabi nito at napayuko ako.

"Sorry naaaaa." sabi ko at narinig ko ang paghinga nito ng marahas, naramdaman ko nalang din ang pagpahid ng luha nito sa pisngi ko.

"Ano bang nagustuhan ni Dark sa'yo at naisipan niyang ligawan ang iyakin na tulad mo?" tanong nito at napasimangot ako, sus, swerte nga ng kumag na 'yon na nagkajowa siya ng Daniella Sebastian!

"Actually hi–"

"No need to explain, Dani. Tatanggapin ko nalang, kasalanan ko naman eh. Dark is so good for me, he's a nice guy, di lang halata." sabi nito.

"Hindi ko siya boyfriend." pag-amin ko.

"Then what is this?" tanong nito.

"A set up.. gusto ko kasing magkabalikan kayo dahil ang gusto ko talaga is si.. George Mendoza." sabi ko at para naman itong naguilty.

"But.. George like me, and he's courting me right now." sabi nito at umangat ang tingin ko sakaniya.

"Pumayag ka?" tanong ko at umiling siya.

"Ayoko pero mapilit siya, sorry, nasaktan ba kita?" tanong nito at umiling ako.

"Ako nga dapat mag-sorry kasi baka nagalit ka at iniisip mo na jowa ko talaga si Dilim." Sabi ko at natawa naman siya ng mahina.

"So, hindi mo siya boyfriend?" tanong nito at umiling ako.

"Pero ayaw niyang makipag-break, harapin ko daw yung consequences ko sa pagiging childish." reklamo ko at napailing si Ate.

"Ganyan talaga yan, hayaan mo na muna, baka malay mo isang linggo lang pumayag nadin siya na itigil niyo, may pagkasira din kasi ang Dark na yon eh." sabi nito at huminga ako ng malalim at niyakap muli si Ate, at least di ba, My Ate Thaliah is not mad at me..

Kinabukasan papasok na sana ako ng may humila sa suot kong bag at gusto kong murahin kung sino man siya dahil tumama yung noo ko sa buto-buto niyang dibdib, matigas eh! Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Dilim. "Problema mo, ha?" tanong ko at nginisihan niya ako.

"Ganyan ba ang tamang bati sa boyfriend?" tanong nito na kinapikit ko ng mariin.

"Hoy ika–" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla nitong hablutin yung bag ko at binuksan. "Hoy! Masama yan ha?!" sigaw ko pero di niya ako pinansin at laking gulat ko nong kunin nito ang baon kong Chuckie.

"Akin yan –"

"I told you to bring one for me." sabi nito sabay tanggal nong plastic at tinusok sa butas saka niya ito ininom. Pútaaaaaa!!!

"Bye!" sabi nito at iniwan na ako. Napatawa naman ako. Ay wow! As in, wow talaga!

Nakita ko naman ang pagharap nito at winave pa talaga niya ang kamay niya habang iniinom yung Chuckie ko. Hayuuup siya! My Chuckie! Kainis!

Pumunta na nga muna ako sa klase ko at nagpanggap na nakikinig.

Pero putchaaaaa ano 'to?? Bakit si Dilim ang maga-acting teacher namin for today.

"May general meeting kami ng mga teacher so kung sinong Senior High school ang naka-assign dito ay siyang magbibigay ng quiz sainyo." sabi ni Ma'am Hilda, tama nga si Mommy, nakakainis itong teacher na 'to! Bakit hindi si Ate ang nilagay nya dito at itong kutong Dilim ang nandito ha?!!

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon