CHAPTER TWENTY SIX

57 0 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming tumayo pero pinauna ko muna silang dalwa dahil andon si Dane sa counter.

"Magkano----"

"No need." nakangiti niyang sabi kaya naman biglang bumilis ang heartbeat ko dahil sa smile niya, sobrang namiss ko yun. Hays pinagsasabi ko ba?!

"Um. We need!" sabi ko kaya naman tumango nalang ito at inabot ni Simon sa kaniya ang card nito at binalik din.

"Thanks." sabi nito kaya tumalikod na ako pero bigla pang nagtanong tong bwesit kong kaibigan na si Simon kaya agad ko siyang tiningnan ng masama.

"Kamusta ka naman ngayon, Fafa Daniel?" tanong nito.

"Okay naman." tipid nitong sagot.

"Well, halata naman. Um, Bar naman tayo minsan sama ko 'yan si, Eya party, party!" aya nito kaya agad na nanlaki ang mata ko at pasimpleng kinurot ang tagiliran niya pero walang effect!

"Silent means yes. So, see you next week ha!" sabi ni Simon at tumango nalang ito tsaka tumingin sakin.

Umiwas ako ng tingin at inaya na ang dalwa.

"Let's go." sabi ko at nauna ng lumabas.

Pagkalabas namin ay agad kong hinampas si Simon pero mahina lang naman.

"Ano 'yon ha?! Ba't inaya mo si, Dane?" inis kong tanong.

"Ay wow, maka Dane?! Close pa kayo? Close pa kayo, ha?! At, akala ko ba nakamove-on kana ha!" sabi nito kaya natahimik ako bigla dahil feeling ko nga ay ibang-iba na siya sa Dane na kaibigan ko.

Agad na akong pumasok ng kotse ko at hindi na sila pinansin pa kahit kitang-kita naman ang mga mapang-asar nilang tingin.

Pagka-hatid ko sa kanilang dalwa ay umuwi na ako, tutal wala naman akong gagawin ay matutulog nalang ako. Kailangan kong magpa-hinga dahil madami akong trabahong kailangan gawin bukas, may meeting pako at hindi pwedeng maka-apekto ang pagbabalik ni... Daniel sa trabaho ko.

'Okay na ako, oo sigurado akong okay na ako!'

Naligo na muna ako at pagkatapos non ay nag-suot ako ng bath robe at habang hawak ang towel na pinagtutuyo ko sa buhok ko ay bumaba ako sa kitchen at nagtimpla ng coffee ko.

Pagkatapos kong magtimpla ay umakyat na ako at hinipan yung kape ko.

Agad kong hinanap ang phone ko pero hindi ko makita.

Asan 'yon?!

Agad kong chineck ang bag ko at bulsa ng suit ko pero wala, nilaglag ko na nga ang mga laman ng bag ko para makita ko pero wala talaga eh.

Nasaan na ba kasi 'yon? Agad akong nag-dial sa landline nila Lianne pero ilang sandali lang ay naalala kong kotse ko pala ang gamit namin kaya agad na bumaba ako at pumunta ng garahe.

Pero wala! Wala pa din sa kotse ko.

Hindi kaya...naiwan ko sa Resto ni, Daniel? Oh no. Malaking problema 'to.

Agad akong tumakbo papasok ng bahay at umakyat sa room ko at dinial ulit ang number nila Lianne.

"Hello." sagot nito.

"Li, samahan mo naman ako oh. Naiwan ko kasi ang phone ko sa Resto ni Daniel eh." sabi ko at narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa.

"Anong nakakatawa, ha?" inis kong tanong.

"Um. Wala sige, wait moko. Bihis lang ako, nakapambahay lang kasi ako." sabi nito at binaba na ang telepono at nagbihis na din ako at naghintay nalang sa tapat ng gate nila Lianne, magkapit-bahay lang kasi kami ngayon.

After ilang minutes ay lumabas na din 'to nagsuot nalang ito ng hoodie so, partner kami dahil ganon din ang suot ko ngayon baka isipin pa nito na nag-ayos pa ako.

"Bakit mo naman kasi naiwan sa resto, ha?" natatawa nitong tanong.

"Haler, malay ko ba? Akala ko kasi nailagay ko na sa bag eh." sagot ko at sumakay na kaming pareho sa kotse ko.

At ng umandar na kami ay biglang may sumulpot na bata kaya napa-sigaw kaming pareho ni Lianne.

"Shet! May tiyanak!" sigaw ko.

"Woi. Anong tiyanak ka diyan!" sigaw naman ni Lianne habang inaalis namin ang suot na seatbelt.

"Ay sorry naman, nagulat lang!" sabi ko at bumaba na kami para icheck yung batang iyak ng iyak.

"Ayos ka lang ba bata?" tanong ni Lianne.

"Bakit kasi natawid ka ng walang kasama ah?" tanong ko at mas lalong umiyak, natakot ko ata. Hinampas naman ako ni Lianne.

"Eh, sorry naman. Little tiyanak este Little cutie! Asan ba kasi ang magaling mong parents at iniiwan kalang dito ng pagala-gala?" tanong ko pero hindi ito sumagot at nakatitig lang 'to sa maganda kong mukha.

"Sshh. Wag mong takutin!" sabi ni Lianne kaya napatitig ako sakanya sabay hawak ng dibdib ko.

"Ako? Nananakot, sa ganda kong 'to? No way."

"Tss. Hello, little pretty. Asan ang house mo? and asan ang parents mo?" mahinahon nitong tanong.

" H-hindi ko po alam.." sagot nito kaya tumaas ang kilay ko.

"Pano natin ihahatid 'yan?" tanong ko.

"Aba malay ko?" sagot naman ni Lianne.

"Alam mo, kunin muna natin ang phone ko kina Daniel, tsaka natin hanapin ang parents ng bibwit na 'yan." sabi ko at sumakay na sa kotse.

Sumakay nadin sila sa kotse at tumigil na din si Little tiyanak este yung bata sa pag-iyak.

Bakit tiyanak? Pano ba naman may mga red stain sa white dress niya at mukha niya, yun pala water color lang pala, na-prank pa ako.

Pagkarating namin sa Resto ni, Daniel ay agad na akong bumaba.

Susunod sana si Bibwit at may sasabihin pero pinigilan ko.

"Wait lang, ha. Hintayin mo ko, wag kang magulo diyan." sabi ko kaya napasimangot ito at inirapan ako aba, attitude!

Pumasok na ako sa loob at nagtanong sa waiter kung nakita ba nila phone ko pero na kay Chef Daniel daw nila. Jusme, saan ko naman hahanapin ang lalaking 'yon.

"Eya!" tawag ni Lianne na nakasunod na pala sakin.

"Sumakay na kayo, wala si Daniel dito." sabi ko ng nakasimangot.

"Sandali, may sinasabi siya eh." sabi nito sabay turo kay Bibwit.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Daddy is here!"

"Huh?" gulat kong sabi.

"I said, Daddy is there!" sabi nito sabay turo sa Resto kaya napalingon ako don.

"Daddy mo andiyan?" tanong ko.

"Oo nga po, kulit!" sabi nito sabay yakap sa doll niyang may red stain din, hmp tiyanak nga talaga!

May lumabas naman na isang waiter mula sa Resto at nakita si Bibwit.

"Tali!" tawag nito sabay lapit dito.

"Nako nakita po namin yang anak mo malapit sa bahay namin, buti kami nakakita." sabi ni Lianne.

"Po? Ay hindi ko po siya anak." natatawang sabi nito kaya kumunot ang noo naming pareho.

"Sabi niya taga-diyan daw ang Daddy niya." sabay turo sa Resto.

"Ay opo, anak po siya ni Chef Daniel." nakangiting sabi nito.

"Kanina pa nga po siya hinahanap, buti nalang po nakita niyo."

* Anak po siya ni Chef Daniel!

* Anak po siya ni Chef Daniel!

*Anak po siya ni Chef Daniel!

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon