CHAPTER SIXTY EIGHT

14 0 0
                                    

Nasa sala kami lahat ng dumating na ang mother ni Dilim para sunduin si Black.

Hindi ito nagsasalita at nakafold lang ang mga braso niya kaya naman huminga ng malalim si Tita Luisa at niyakap ito.

Galit pa din kaya si Dilim sa mother niya dahil sa pagiwan sa kanila noon nito, ang alam ko, pagkatapos ipanganak si Dilim umalis na ito ng walang paalam at iniwan lang kay Tito Randy ang obligasiyon sa pagpapalaki sa sungit nato.

"Ingat ka dito, dapat kumain kasa tamang oras–"

"I'm fine. Inaalagaan ako ng maayos ni Papa." mahina pero mariin niyang sabi at napakamot naman si Tito Randy sa ulo niya dahil sa kasungitan ng anak nito.

Napa-nod naman siya saka napalingon saakin na nakatayo sa tabi ni Grandmother. "Sino ang magandang babaing 'yan?" nakangiti niyang tanong.

"Uhm, hello po ako po si Daniella! But you can call me Dani, I'm his fr–"

"She's my girlfriend, Ma." sabi nito at para naman akong natuod sa kinakatayuan ko ng tingnan nila akong lahat, pati na din si Grandmother ay di makapaniwala na nakatingin saakin.

"Oh.. hello iha, masaya akong makilala ka." sabi nito at tumango-tango nalang ako at napahawak nalang ako ng mahigpit sa laylayan ng palda ko.

"Sige aalis na kami ni Black. Bye, Dark! Randy, Ma!" sabi nito at tumango lang si Tito Randy saka naman ako nginitian ng mother niya at napakamot nalang ako sa ulo ko.

Humarap naman si Dilim saakin na kinaayos ko ng tayo dahil parang nanghina ang mga paa ko at parang naging lantang gulay.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito.

"H–Huh?" bulalas ko.

"Dark teka lang, teka lang!" sabi ni Tito Randy saka pumagitna saamin. "Ano yung sabi mo kanina sa Mama mo?" tanong nito at tiningnan naman siya ni Dilim.

"Kailangan ko na ho bang ibalik ang pagtawag ko sainyo ng Papa tanda?" nakataas ang kilay na tanong nito.

Napaubo naman si Tito pero natawa din siya kalaunan. "So, girlfriend mo na talaga itong inaanak ng Tita Karen mo ha?" pabulong na tanong nito pero rinig ko pa din naman.

Hays.

"Ano nga, sabihin mo na–"

"Oo na! Girlfriend ko nga ang babaing yan!" sabi nito at agad namang napa-yes si Tito at niyakap ako ng mahigpit. "Welcome to the family, anak!" sigaw nito at napanganga nalang ako.

"Pa! Stop hugging her!" sigaw nito at napasimangot si Tito.

"Napaka-possessive mo naman anak! Masaya lang naman ako, first time mo kayang magpakilala ng girlfriend, anak!" sigaw nito pero umakyat na ito at iniwan kami.

Napapailing nalang si Grandmother.

"Mga kabataan talaga –"

"Nay!" saway ni Tito Randy.

"Ayan ka nanaman sa – Ang KJ mo talaga minsan, Nay!" sabi ni Tito at natawa lang si Grandmother.

Pagkatapos nga naming mag-dinner ay kumuha lang ng Jacket si Dilim at sinabi niyang ihahatid na daw niya ako.

Tahimik lang kami habang naglalakad sa gitna ng tahimik na daan, walang gustong bumasag sa nagyeyelong katahimikan.

"Panget." tawag nito at napahinto naman ako sa paglakad at huminga muna bago siya tiningnan. "B–Bakit?" pigil-hininga kong tanong, nakatitig lang ito sa lupa at parang di alam ang sasabihin.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong nito at napahawak naman ako sa leeg ko.

"Ano.. wala! N–Nagaaral kasi akong maging cold." sabi ko at tumawa naman siya ng mahina saka tumango.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon