THALIAH 'TALI' POV
Muntik na akong kabahan kanina baka di kami payagan ni Daddy dahil lumabas na si Dani with Dark pero, so happy naman, dahil pumayag din siya.
May dagdag oras na, dahil kung dati dapat ay 7pm nakauwi na ay dapat before 9pm ay andito, so dapat 8:59pm naiuwi na niya ako.
Nasa tapat ako ng claw machine ngayon, allergic ako dito pero ibibigay ko naman sakaniya eh, parang bata kasi. Napakahilig sa ganito.
Napatalon naman ako ng makuha ko at napakamot ako ng pagtinginan nila ako. Nasaan na ba si Gio? Sabi niya bibili lang siya eh. I was about to call him ng maramdaman ko na may malamig na bagay sa pisngi ko.
Inis na tiningnan ko siya ng makitang ice cream 'yon, nakakabwisit talaga ang kumag na 'to! "Kalma, Malds." natatawang sabi nito at inirapan ko naman siya at inis na kinuha ang ice cream sa kamay niya at tinuro ko ang ibaba ng claw machine gamit ang paa ko.
"Pakikuha nong nahulog." sabi ko at pinagtaasan naman niya ako ng kilay na parang diskumpyado pa.
"Dalian mo na." sabi ko sabay palo dito, natawa naman siya at agad kinuha si Crocodile stuffed toy na kinaawang ng labi niya.
"Sorry na. Ayan yung nahulog eh, dapat yung pusa talaga kaso nong ihuhulog ko na ayan yung tinamaan." sabi ko saka tinaas-baba ang kilay ko.
Napasimangot naman ako habang pinagmamasdan lang nito ang hawak niya. "Ayaw mo ba? Nakakainis ka naman eh, sige na, itapon mo nalang–"
"Ano ka. Bakit ko itatapon ito?" sabi niya ng hahablutin ko sana sakaniya.
"Happy lang ako." sabi nito at niyakap pa talaga niya ang crocodile.
"Kamukha mo." sabi ko at iniwan siya don mag-isa.
"Grabe ka naman, Malds. Ganyan ba ang trato mo sa akin? Parang di tayo magkaibigan ah." sabi nito na kinatigil ko.
Ilang beses na siyang ganiyan, namimiss ko na yung sinasabi niya na 'Future girlfriend ko ' or kaya naman 'Future boyfriend mo'
Napapagod naba siya? Ayaw naba niya? Well, diko naman siya masisisi. Three years din siyang nag-antay saakin at hindi naman ito nagtatanong, malamang napagod na siya at kung nagiistay nalang siya ay baka bilang friends nalang. Ayun naman ang lagi niyang sinasabi saakin eh, ayos lang sakaniya ang diko siya sagutin basta magi-stay lang ito sa tabi ko as kaibigan ko.
"Ayos kalang? Bat bigla kang natahimik?" tanong nito at mabilis akong umiling.
"Wala, may naalala lang." sabi ko at pinakatitigan naman niya ako. Hinawakan pa nito ang magkabilang braso ko at nilapit ang mukha saakin.
"Malds, are you sure your okay?" sabi nito na kinatango ko kaya naman tumango na ito at hinawakan ang kamay ko at naglakad-lakad na kami. Medyo nawalan na ako ng gana ng makita ang paglapit ni Grace saamin.
Kaklase namin ito noon nina Dark at Gio nang nasa highschool palang kami.. alam ko pinagselosan din ito ni Dani dahil umaaligid palagi kay Dark pero mukhang ako naman ata ngayon ang magseselos.
"Hindi ko inaasahan na makikita kita dito, Gio?" sabi niya na kinairap ko. Feeling close.
"Oo nga eh, almost three years din." sabi niya na natatawa.
"Oh, hi, Thaliah?" bati nito at ngumiti ako ng tipid pero di ako nagsalita.
"Sige mauna na ako, we should hang out next time, Gio." sabi nito at ngumiti lang ito at nagpaalam na nga siya saamin.
"Maganda siya." sabi ko at napalingon naman siya sakin.
"Hah?" sabi nito na parang di inaasahan ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM