KINABUKASAN ULIT.
"Manang si Eya po?" tanong ko sa maid.
"Nako sir tulog padin sya at hindi nalabas sa kwarto nya, hindi pa nga sya kumakain simula kahapon ." sabi nito kaya mas kinabahan ako, tiningnan ko ang relo ko at siguradong malelate ako nito kung aakyat pako pero hindi ko maiwasang di mag-alala.
"Manang, pwede ko ba syang puntahan sa kwarto nya?" tanong ko.
"Sige po sir." sabi nito at umakyat na nga ko pero nakalock ang pinto nya at sinubukan ko syang katukin pero hindi nya binubuksan.
"Manang, may duplicate po ba kayo dito sa kwarto nya?!" tanong ko.
"Ay sir wait lang!" sabi nito .
"EYA! OPEN THE DOOR!! KAUSAPIN MOKO!" sigaw ko pero wala talaga at dumating na nga si Manang kaya naman agad kong binuksan yun at nakita ko syang nakahiga sa kama nito at natutulog.
"Eya!" tawag ko.
"EYA!!" sigaw ko na at may kasama pang pagyugyog dito.Mas lalo akong kinabahan ng hindi talaga sya magising . Agad ko syang binuhat palabas ng kwarto nya.
"Sinong andyan?! Nandyan ba Mommy ni Eya or kahit Daddy nya?!" tanong ko.
"Si Ms. Elaine lang po ang nandyan, sandali tawagin ko po." sabi nito na halatang kinakabahan nadin tulad ko. Ilang sandali lang ay dumating nadin ang Ate nya.
"Anong nangyari?!" tanong nito.
"Hindi ko alam, dalhin nalang natin sya sa ospital." sabi ko at tumango ito.
HOSPITAL
"Doc, ano pong lagay ng kapatid ko?" tanong ni Elaine na halatang sobrang alalang alala na kay Eya.
"Don't worry okay naman na sya. Nahimatay lang ito sa sobrang stress nya tsaka nawalan siya ng malay dahil sa gutom." sabi nito kaya napayuko ako dahil alam kong ako ang may kasalanan nito.
"But she's fine. She need to rest then paggising nya pakainin nyo na sya." sabi ng doctor.
"Salamat po doc!" sabi ni Elaine at lumabas na nga ang In-charge kay Eya at lumingon to sakin.
"Hindi kana nakapasok." sabi nito sakin at ngumiti lang ako.
"Okay lang. Kasalanan ko naman kung bakit sya nandito." sabi ko habang nakatingin kay Eya.
"Nagaway ba kayo?" tanong nito.
"May nangyari lang." sabi ko sabay ngiti ng mapait.
"Take care of my sister Daniel, ikaw lang ang sinusunod nya. Alam mo naman sigurong stress sya lately dahil samin ni Mommy." sabi nito at tumango ako.
"Hindi ko alam kung bakit galit sakin si Eya, feeling ko tuloy may tinatago sakin si Mommy." sabi nito.
"I tried to talk to her about sa issue ninyo pero alam mo naman kung gano katigas ang ulo ng kapatid mo." sabi ko.
"Yeah. I love my sister Daniel, hindi ko alam kung pano ako makakalapit sa kanya." sabi nito sabay tingin kay Eya.
"Sana maconvince mo sya na kausapin ako para naman alam ko kung bakit sya galit sakin." sabi nya kaya tumango ako.
"Susubukan ko." sabi ko.
"Thanks Daniel. Labas na muna ako, tawagan ko lang muna si Daddy." sabi nito kaya tumango ako at lumapit kay Eya saka hinawakan ng mahigpit ang kamay nito at hinalikan 'yon.
"L-Leave me alone." rinig kong sabi nito kaya nagulat ako at agad na nilingon siya dahil gising na pala ito.
"Eya.." tawag ko sa pangalan nya at agad na lumapit sakaniya.
"M-May fiancee ka na nga diba. T-Tas kinakausap mo pa Ate ko?! A-Are you mad at me?" tanong nito na nangingilid na ang luha.
"Of course not. Eya naman. Sorry na, please!" sabi ko sabay hawak sa kamay nito.
"A-AYOKO!" sabi nya sabay iwas ng tingin.
"Elyanna please!" sabi ko habang pinipisil ang kamay nya.
"I want to go home." sabi nito sakin.
"No. You need to rest." sabi ko pero umiling-iling sya.
"I want to go home!" sabi nito na nagmamaktol na at tinatanggal pa ang nasa kamay nya kaya agad ko syang pinigilan.
"Eya! Makinig ka sakin, sige kakausapin ko ang doctor mamaya pero magpahinga ka muna." seryosong sabi ko at tiningnan niya ako ng masama.
"Ano bang paki mo sakin ha, doon kana sa haliparot mong fiancee!" sabi nito kaya napabuntong hininga ako at tiningnan ito sa mga mata niya.
"Sorry nasaktan kita." sabi ko.
"A-Ano yun, sorry nalang! Kawawa ka naman pala, Eya. Hanggang sorry ka nalang." sigaw nito sa sarili nya kaya napayuko ako.
" Wag mokong pahirapan ng ganto Elyanna. Nasasaktan din ako dahil nasasaktan kita." sabi ko sa kanya kaya tumahimik na sya at pinunasan ang luha nya.
"W-Wag kang magalala, makakalimutan din kita! Madaming gwapo don sa school!" sabi niya na naiiyak padin.
Hindi ako nagsalita kaya tumingin sya sakin.
"S-Sabi ko maghahanap ako ng iba!" sigaw nito at tumango ako kaya mas lalo syang umiyak at kinuha ang unan at hinampas sa akin at binato.
"A-Ang sama mo!!" sigaw nito at tumalikod na sya sakin.
______
KINAGABIHAN AY INUWI KO NA NGA SI EYA SA KANILA Dahil nadin sa pagpupumilit nito kanina pa.
"S-Salamat sa paghatid." sabi nito tsyka tumalikod na sakin kaya naman hinawakan ko ang wrist nya at niyakap sya mula sa likod nito.
"I'm sorry." saad ko.
"W-Wag kang magsorry! Parang lalo mo lang pinapalandakan sakin na mali na nagkagusto ako sa bestfriend ko." umiiyak nyang sabi.
"Iiwasan mo naba ako?" tanong ko tsyka ko siniksik ang mukha ko sa leeg nya .
"I—I want but I can't Dane. You know how much I love you, alam mo yan kaya please ikaw nalang ang umiwas." sabi nito at umiling ako.
"May fiancee kana at hindi mo naman ako mahal so pano ako lalaban Dane? Kung mahal mo lang ako handa kitang ipaglaban kahit sino pang satanas o haliparot yan... Mas masakit pa to sa isipin na bakla ka mas maiintindihan ko at matatanggap yun kaso hindi e." sabi nito kaya naman binitiwan ko na sya at tumalikod sakaniya.
"B-Bye! Ingat kasa pagdrive." sabi nito ng hindi tumitingin sakin kaya naman sumakay nako sa kotse ko at umalis na. Bakit ba kase ang duwag ko?! Galit kong sabi sa utak ko at pinagsusuntok ang manibela .
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM