CHAPTER SEVENTY TWO

11 0 0
                                    

Habang nasa kotse ako ni Gio tiningnan ko siya. "What do you think of Dani?" tanong ko at natigilan naman siya sa pag-inom nong Juice niya. "Huh?" takang tanong nito.

"What do you think of her? She's beautiful, di ba?" tanong ko at sandali itong natigilan at para niyang iniisip yung sinabi ko at napa-nod ito. "Well.. she's cute, but for me you're the most beautiful woman in this –"

"Not me. I know I'm pretty –"

"Tsk. Ayoko. Baka pag sinabi kong maganda si Dani, magselos kapa at dimo pako sagutin." sabi niya saka ako inismiran na kinairap ko.

"Ang OA mo naman, Gio. Just answer my question–"

"Bakit mo ba kasi tinatanong, ha? Paano kung sabihin ko na hindi ako nagagandahan sakaniya, ano?" tanong nito na kinasimangot ko.

"Imposible. Maganda si Dani, ano!" inis kong sabi dito at natawa naman siya.

"Well, for me. She's not. You're the most beautiful woman in this world." sabi nito at huminga ako ng malalim.

"Balak mo bang ireto si Dani saakin ha?" tanong nito at tiningnan ko siya at nakatingin ito sa labas habang kinakagat ang straw nong Juice niya.

"Well.. Dani likes you." sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay.

"That's true. Ask her–"

"You're lying. May boyfriend nasi Dani, and it's Dark. Tss. Test ba 'to ha? For your information, hindi ako matitibag sa mga ganito.. at para sa kaalaman mo lang din, ang babaing gusto ko lang ay walang iba kundi si Thaliah Sebastian, ang pinakamaldita kong mahal." sabi nito at sumimangot ako.

"Eww." kunwari nandidiri kong sabi at inirapan ba naman ako.

Pagdating namin sa bahay ay bumaba ito at papasok na sana ako ng hawakan nito ang kamay ko. "Bakit?" walang ganang tanong ko. "Bukas ha?" sabi nito at huminga ako ng malalim saka tumango at lumapit naman siya para hawakan ang pisngi ko.

"Don't try to push me away, Tali. I love you." sabi nito saka niya ako hinalikan sa noo ko.

"Byee!" kumakaway niyang sabi at natawa naman ito ng makita ang pagkatigil ko.

"Shutterbug." sabi nito saka sumakay na, napabuga naman ako at pumasok na nga sa loob. Natigilan naman si Dad ng makita ako. "Akala ko ba lalabas kayo ni George?" tanong nito saka niya binalik ang tingin sa phone niya. "Dad.. can we talk?" sabi ko at tiningnan niya ako ng mataman pero tumango din siya.

Naupo kaming pareho sa may sala. "May problema ba?" tanong nito.

"Why are you acting like this suddenly, dad?" tanong ko at natigilan naman siya.

"Anong ibig mong sab–"

"Sainyong dalawa ni Mommy.. ikaw ang pinaka-strict sa pakikipagrelasyon.. then bakit?" sabi ko saka yumuko.

"Is it because of my .. Leukemia? Ginagawa mo ba ito dahil –"

"No, Thaliah. Wag mong isipin na naaawa ako sa kalagayan mo kaya pumayag ako sa gusto ni George, pumayag ako dahil gusto kong mawala ang iniisip mo sa sakit mo.. na baka kapag kasama mo si George o ang mga kaibigan mo maging masigla ka. Ayoko namang maging malungkot ka kapag humindi ako." explain nito na kinatango ko.

"Bakit ayaw mo bang makadate si George?" tanong nito at umiling ako.

"Ayos lang ho.. nagtataka lang po ako, baka kasi napipilitan lang kayo o naaawa saakin.. ayoko po ng ganon." Sabi ko.

"Naiintindihan ko, wag kang magalala." sabi nito sabay gulo sa buhok ko at tumayo ito. "So, wala na kayong date ni George?" tanong nito.

"Meron po.. pinagpabukas ko nalang ho." sabi ko at tumango ito.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon