Bumaba nako para sana kumuha ng pagkain ko ng makita ko sila Mom at Ate na masayang binubuksan ang mga pinamili nila. Ts! Winaldas nanaman nila yung pera ni Lola Alicia na para sakin.
Nakita ko ang paglingon sakin ni Ate kaya agad ko syang inirapan at dumeretso ng kusina.
"Sorry Eya hindi ka nanamin nahintay at bumili na kami . Don't worry binilhan kadin naman namin, tingnan mo." sabi nito pero hindi ko sya pinansin at kumuha lang ako ng tubig at ininom yun.
"Manang, anong pagkain?" tanong ko.
" Nagluto po ako ng kare-kare." sabi nya kaya agad ko syang tiningnan ng masama.
"Are you insane?! Alam mong allergy ako sa peanut diba?!!" galit kong sabi kaya napayuko ito.
"Sorry po Ms. Eya! Sinunod ko lang po ang utos ni senyora kanina." sabi nito kaya napakapit ako ng mahigpit sa hawak kong baso.
"Magluto kana lang ulit ng iba manan—Aaahh!
Sigaw nito ng buhusan ko sya ng malamig na tubig.
"H-how dare you.. I-Im you're mother!!!" sigaw nito.
"Ganyan naba kayo kadesperada huh?! Balak mo ba talaga akong patayin?!" galit kong sigaw dito.
"W-what are you talking about—Not now Eya!!" sabi niya na medyo kinabahan ng maalala nya ang ibig kong sabihin.
"Simula nong ginawa nyo yun sakin, hindi ko na kayo tinurin na ina!" mahina kong sabi at napaiwas sya ng tingin.
"Eya.. Ano bang sinasabi mo?! Bat ganyan ka magsalita sa Mommy natin?" galit na sabi ni Ate kaya nginisihan ko sya at mabilis na umakyat papuntang kwarto ko.
Agad kong tinawagan si Dane para sana makalma nyako kahit pano. Gusto ko lang marinig ang boses nya.
"Hello, who's this?" tanong ng isang babae sa kabilang linya.
Agad kong chineck ang pangalan baka kase mali lang napindot ko pero kay Dane talagang number yon.
"Where's Dane?!" tanong ko.
"Who's Dane?" tanong nong babae.
"I mean Daniel, asan si Daniel?!" naiinis ko ng tanong .
"Why?!" tanong nito kaya napapikit ako ng mariin.
"Just answer my question, stupid!" inis kong sabi.
"What the! Are you cursing me?!" galit na sabi nito .
"Yes, I'm cursing you! Kaya kung sino ka mang haliparot ka! Sabihin mo na kung nasaan si Dane?!" sigaw ko dito.
"Ano bang kailangan mo sa fiance ko?!" maarte nitong sabi kaya naman mas lalo akong nainis.
"Nagpapatawa kaba ha?! Hoy wag mokong niloloko wala akong oras makipagbiruan sayo!" sigaw ko dito.
"I don't know what your talking about, girl." sabi nito at napahilamos na lamang ako saking mukha.
"Nasaan nga si Dane?" sigaw ko dito.
"Well, kung yung fiance ko ang kailangan mo ay busy siya so sakin mo nalang sabihin." sabi nito na kinabuga ko.
"Alam mo babae, nakashábu ka ba ha? o baka naman may ubo yang utak mo! Eh bakla yang si Dane eh!" sigaw ko uli.
"Sorry! Wrong number ka girl, lalaking lalaki po ang future hubby ko okay!" sabi nito sabay end ng call.
"Hoy baliw—Kinginang haliparot nayon!"
Inis na tumayo ako at nagpalit ng damit ko .
___________
Pagdating ko sa bahay nila ay walang tao kundi ang maid at guard lang nila . Pinapasok naman nila ako at dumeretso ako sa kwarto ni Dane at don ko sya hihintayin pero huta! Isang oras nakong nakahiga don sa kama nya pero wala padin to kaya naman nanuod nalang ako sa TV nya para naman mabawasan ang bored ko . After one hour again wala padin kaya naman tinawagan ko na sya pero cannot be reached ito. HOY DANIEL LUKE SEBASTIAN! SINO YUNG HALIPAROT NAYON!!!!!
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM