Yes, tama kayo, sarili kong ina gusto akong patayin, nakakatawa na nakakaiyak.
Hanggang ngayon masakit sakin 'yon! Sa sobrang galit ko dito ay hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ito. Lalo pa't namatay si Lola Alicia ng dahil sa ginawa niya! Nacomatose ako non ng ilang buwan at hindi kinaya iyo'n ni Lola hanggang sa namatay ito. Kaya hindi nila ako masisisi kung kasuklaman ko sila!
Agad kong sinundan si, Dane. I know his mad and disappointed sakin pero okay lang. As long na andyan siya for me kahit sobrang sama ng ugali ko sa ibang tao.
"Dane." mahina kong tawag dito pagkapasok sa kwarto nito.
"Maligo ka na, mamaya ihahatid na kita." sabi nito sa mahinang boses.
"Sorry na, Dane." sabi ko sabay lapit dito at niyakap siya mula sa likod nito.
"It's okay. Sige na maligo ka na." sabi nito.
"Eeee.. I want to see your face muna." maktol ko dahil ayaw nitong tumingin.
"Tss." Sabi nito sabay alis ng kamay ko sakanya.
"H-Hoy, bat ang sungit mo?! May regla ka ba ha?!" inis kong sigaw pero inirapan lang ako nito. Itong bwesit na baklang to! Masyadong attitude!
"Bahala ka sa buhay mo!" inis kong sabi at lumabas na sa kwarto niya para magpalit pero bumalik din ako dahil naalala kong nasa kwarto nga pala niya ang mga damit ko, hmp.
Agad akong kumuha ng damit ko sa closet niya na halos mangalahati na sa dami.
Agad akong pumasok ng banyo at nagshower, tas pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako, pero wala na siya sa kwarto. Agad na nagbihis ako at inayos ang buhok ko tsaka tinawag si Dane pero nasa labas lang pala ito ng kwarto at hinihintay lang akong matapos.
"Uuwi na ako." sabi ko dito pero irap lang ang response nito sa sinabi ko.
"Sabi ko uuwi na ako, dadalhin ko na din ang mga damit ko." sabi ko ng nakatingin sa kanya pero parang walang epekto sa baklang pamintang 'to. Hayurfff!
Tss . Balakajan! Agad kong kinuha ang maleta niya at inilagay don ang gamit ko, nakakainis siya! Ano galit siya sakin, dahil kay Mommy! Pwes, magsama-sama sila!
Pagkaayos ko ng gamit ko ay nilingon ko to pero wala talagang paki!
"Daniel!"
Boses ng isang babae. Si Tita Mariel! Ang Mommy niya.
Narinig ko ang pagkatok nito tsaka bumukas at nagulat ng makita ako.
"Iha, andito ka pala. I'm so happy to see you!" sabi neto sabay yakap sakin tsaka ko naman nilingon si Dane na nakangisi!
Tss. Kaya ba hindi niya ako pinipigilan dahil hindi ako makakaalis agad dahil andito si Tita. Wow, wow naman talaga!
"Labas kayo may mga dala akong foods!" sabi neto.
"Sunod po kami, Ma." sabi nito sabay tingin sakin ng natatawa.
"Diba sabi ko sayo after lunch kita iuuwi sainyo, may topak ka nanaman ba?" sabi nito na ikinairap ko.
Siya ang may kasalanan tas siya pa ang may ganang manisi!
"At ano itong mga ikinalat mo? Ibalik mo yan!" sabi nito sabay gulo sa maganda kong buhok at nauna ng lumabas. Tsk!
Paanong naging kalat ang nakaimpake na sa cute niyang maleta!
At ewan ko ba, binalik ko nga ang mga gamit ko sa loob ng closet niya.
Dumami lang to dahil kakapunta at sleep over ko dito at hindi ko nadadala pauwi ang mga sinusuot ko papunta don dahil pinapaiwan niya, kaya ito para na din akong nakatira dito sa dami kong damit hays.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM