Umuwi muna ako sa bahay, umaasa na baka nauna lang na umuwi eto pero wala siya. Kanina ko pa ito tinatawag pero hindi niya sinasagot. Tinawagan ko din si Papa Randy baka sakaling andon ito pero hindi daw ito pumunta doon. Nagaalala na ako. Bakit siya makikipaghiwalay? Did I do something?
Lumipas pa nga ang ilang oras at wala padin ito, pinuntahan ko na siya sa restaurant, sa school nito and even sa hotel, pero walang Dilim. Where the héll is he right now?!
It’s almost 3 am in the morning. I can’t sleep. But to my surprise.. Dilim is calling me.
Napatayo ako at agad sinagot ang tawag nito. “Where the héll are you, Dark?!” pasigaw kong sabi.
“H―Hello?” tila nagulat ito sa pagsigaw ko.
“Sino ‘to?” tanong ko.
“Uh, Dani.. It's Gordon, friend of Dark.. Andito kami sa bar and I can’t bring him to his home, ayaw niyang umuwi, and besides diko din alam ang bahay nito.” sabi niya.
“Saan bar yan?” tanong ko saka nagmadaling kumuha ng Jacket and hindi na nagabalang magpalit pa ng pantulog ko.
“Thanks. I‘ll be there.” sabi ko saka lumabas na at nagpara kaagad ng cab.
Ayaw pa sana akong papasukin nong guard pero agad naman akong nakita ni Gordon, siya yung CEO na sinasabi ni Dilim saakin kanina. Sinamahan naman ako nito papasok sa isang VIP room at doon ko nakita ang nakayukong si Dilim sa lamesa habang ang daming babae.
“Oh.. Wag kang magisip ng ganiyan.. Andito sila for me.. not for Dark!” kinakabahan na sabi nito saka mabilis na sinenyasan ang mga babae na lumabas na. I know he‘s drunk pero hindi ko maiwasan mainis sa mga nakikita kong nakapaligid kanina sakaniya. Napaangat naman si Dilim ng mukha niya at agad hinawakan ang basong nasa harap nito at ininom iyon. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?” galit kong sabi.
“Hey, ang pinakamamahal ko, andito ka.” sabi nito saka pumikit, naalala ko naman ang pakikipaghiwalay nito saakin kanina pero wala akong oras para pagusapan yon.
“Umuwi na tayo. Madami ka ng naiinom.” mahina kong sabi pero umiling ito.
“I don’t need to go home with you.” sabi nito at nasasaktan ako sa sinasabi niya lalo na ng tingnan niya ako ng seryoso. Is he mad at me? May nagawa ba ako? “I actually want the opposite, and sinabi ko na sayo yon kanina, I want to break up!” sabi nito saka nilagok ang alak na nasa harap niya at tumulo nalang ang luha sa pisngi ko.
Napailing ako at agad pinunasan ang luha ko. Lasing lang siya, alam kong hindi siya makikipaghiwalay saakin. He loves me, I feel that. “U―Umuwi na tayo, mahal.” umiiyak kong sabi pero di niya ako pinansin.
“Nakipagkita ako sa CEO ng Fernandez Golden. Humingi ako ng tulong sakaniya para malinis ang pangalan mo.” sabi nito at umiling ako.
“Wala akong pakialam dyan, mas nagaalala ako para sayo, umuwi na tayo please.” pakiusap ko.
“I won the game.” patuloy nitong sabi. Iniisip ko kung anong game ang sinasabi niya. He is making no sense right now.
“Anong game?” tanong ko.
“Napagkasunduan namin na kapag nanalo ako sa racing game, tutulungan ka niya. And I did...so, congratulation my love.” sabi nito saka pumikit.
“Pagusapan nalang natin ito bukas..” sabi ko saka sinubukan siyang itayo pero tinabig nito ang kamay ko.
“Hindi, kung gusto mo ngayon natin ito pagusapan.” sabi nito saka siya tumayo at kita kong naiiyak na siya habang nakaharap saakin. “A―Ayoko na Dani, maghiwalay na tayo!” sabi nito at tiningnan ko siya ng masama.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
Любовные романыBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM