Pagkatapos non bumaba nako at naabutan ko si Ate don."Good morning!" bati neto .
"Manang patimpla naman ng kape, please." sabi ko at naupo sa dining at napahawak sa sintido ko.
"Inom pa. Kulang pa yan!" sabi nito.
"Tss." sabi ko at inabot naman sakin ni Manang yung kape kaya naman hinipan ko yun.
"O sya. Iwan na kita, kailangan nako don sa trabaho ko. Oo nga pala, nakasalubong ko kahapon si Daniel ah, nagkita naba kayo?" tanong ni Ate kaya napahinto ako sa paginom nong kape at napatitig sa kanya.
"H-Ha?" sambit ko.
"Sabi ko nakasalubong ko si Daniel kahapon, kala ko naman nagkita na kayo. O siya, sige na alis nako Bye!" sabi nya sabay beso sakin at ako naman ay nanatiling nakatulala lang, kung hindi pa tumunog ang phone ko hindi pako matatauhan.
"Hello." wala sa sariling sagot ko ni hindi ko nga alam kung sino kausap ko.
"Hey good morning? Kamusta ang babaing lasengga ha! May hangover ka no? Tss." sabi nito.
"May sasabihin ka?" tanong ko.
"Wala no. Kailangan ba may reason para tawagan ka, hindi ba pwedeng namiss lang kita." sabi nito kaya natawa ako.
"Siraulo ka talaga. May pasok ka?" tanong ko tsaka huminga ng malalim.
"Yup. Ikaw? Anong oras punta mo sa office?" tanong nya.
"Idunno. Actually tinatamad talaga ako." sabi ko habang hinihipan yung kape ko.
"Tsk. Pumasok ka kung hindi hahalikan talaga kita." sabi nya kaya napangiwi ako.
"Sige na babye na." sabi ko.
"Okay bye. Iove you." sabi nito kaya natawa ako.
"I hate you. Sige na bye!" sabi ko sabay end nong call at ininom na yung kape ko tsyka tumayo na para maligo.
Pagdating ko sa opisina ay agad akong naupo sa swivel chair ko at yumuko lang dahil sobrang sakit pa talaga ng ulo ko.
"May meeting po kayo kay Mr. Suarez mamayang 2 pm and 3:30 pm naman kay Mrs. Laroza!" sabi ni Mikah.
"Cancel it! Lahat ng meeting ko o kailangan kong gawin Isched mo nalang tom." utos ko.
"Um...okay po Ma'am." sabi nya at yumuko ako sa lamesa ko hanggang sa nakatulog.
Maya-maya din ay naalimpungatan ako at napansing nakatulog na pala ako dito sa desk ko ts! Agad akong tumayo at kinuha yung bag ko.
Pagkalabas ko nakatayo si Mikah sa labas ng pinto.
"Umuwi kana lang din siguro ngayon. Maaga akong uuwi, sorry masama pakiramdam ko." sabi ko sa kanya.
"Sige po ma'am, ako na pong bahala." sabi nito kaya umalis nako at nagpunta ng parking.
Habang nasa byahe ako ay nagtext sakin si Lianne.
'Punta ka dito sa resto na pagaapplayan ko sizs! Kasama ko ngayon si Simon.'
Sabi nya sa text. Hindi nako nagreply at nagpunta nalang. Malapit lang din naman ako kase nasa Alabang nako.
After 15mins. Nakarating nako at agad siyang kumaway nong makita ako.
Pagpasok ko ay agad ngumiti sakin yung waiter kaya naman naupo nako kina Simon.
"Ano girl, hangover? Pasaway ka kase e." sabi nito at napairap lang ako.
"By the way bat pala kayo nandito, natanggap ka naba?" tanong ko kay Lianne tsyka tiningnan yung Menu.
"Hindi pa sizs! Magaapply palang ako, gusto ko munang Itry kumain dito ng hindi pa empleyado." sabi nya kaya napa Ahh nalang ako at tiningnan ang mga nandon.
"Nakaorder naba kayo?" tanong ko ng namimili padin .
"Yup. We order your favorite, sinigang!" sabi nya kaya napailing ako, dahil ayoko na sanang kumain non e.
"Oh ayan na pala e."
Sabi ni Simon at nilagay sa table namin yung mga order namin.
"Kainin mo yan sizs. Sinigang lang yan!" sabi nya kaya natawa ako at dinampot na ang kutsara at tinikman yon pero natigilan ako at biglang bumilis ang heartbeat ko.
"Huy!" tawag ni Lianne.
"S-Sinong chef dito?" tanong ko.
"Huy bakit? May problema ba?" tanong nya at tinikman yung sinigang.
"Okay naman ah, ang sarap-sarap nga sizs!" sabi nito at umiling ako.
"Familliar kase yung lasa." sabi ko.
"Huh? Ano kaba sizs, balita ko lahat ng niluluto nong chef dito ay walang katulad ang lasa sa ibang resto kaya nga pumatok sya e." sabi nya.
"So ibig sabihin sya si Dane." sabi ko kaya natigilan sila at nagkatinginan pa.
"Ewan. Bakit ba?" tanong ni Lianne.
"P-parehong pareho kase nong luto ni Dane." sabi ko at kinuha ulit yung kutsara ko.
Nakita ko naman na kinuha ni Lianne yung phone niya at tila may hinahanap siya.
"Oh my god! Tama ka! Si Daniel nga—shocks! Nasa pilipinas na pala sya." sabi ni Lianne na napahawak pa sa bibig nya at napatingin pa sakin at kay Simon.
"Hoy Eya! Bat ganyan ang reaksyon mo ha?" tanong ni Simon na nanlalaki pa ang mata.
"Wala." tipid kong sagot at tinuloy na ang pagkain ko.
"Tss! Akin na yan, palit tayo . Iiyak ka nanaman e." Sabi ni Simon sabay kuha nong pagkain ko at binigay sakin yung Inorder nya para sa kanya.
Kinalma ko ang sarili ko at nagsimula ng kumain ng bumukas ang pinto at nagsalita yung waiter ng.
"Good afternoon Chef!"
"Good afternoon. Kamusta dito?" rinig kong sabi nya kaya tiningnan ko sina Simon at Lianne at kahit sila nakatulala. Wag kang lilingon Eya. Wag kang lilingon.
"Mr. Daniel!" tawag ni Simon kaya agad ko syang sinipa.
Agad akong napatakip sa mukha ko dahil nararamdaman ko na ang bawat hakbang papalapit sa gawi ko.
"Umayos ka papalapit na sya." sabi nito kaya naman inayos ko ang sarili ko at tumingin sa labas.
"Kamusta? Tagal nating hindi nagkita ah." natatawang sabi ni Simon na sinisipa sipa pa yung paa ko.
"Yeah. Okay lang naman. Kayo kamusta?" tanong neto pero di padin ako tumitingin, mamaya himatayin pako e.
"We're fine. Diba Eya!" sabi nito kaya napapikit ako ng mariin tsyka hinrap sya.
"Y-Yeah." tipid kong sagot.
"How are you?" tanong nito kaya napatingin ako sa kanya at sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko ngayon.
"H-huh? A-ako ba?" tanong ko at tumango sya.
"O-okay lang." sabi ko sabay inom ng tubig at muntik pa akong mabulunan.
"Good. Sige, enjoy your meal guys. My treat." sabi nito.
"Ay bet ko yan, thankyou Daniel." sabi ni Simon na may diin pa talaga sa pangalan nya, bwesit!!
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
Любовные романыBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM