Mabilis ko nga siyang naitulak sa gulat ko. “Are you crazy?!” sigaw ko dito at niyakap lang niya ako.“No. Bakit mo naman naisip yan?” tanong nito at napaawang ang labi ko, at hahampasin ko sana siyang muli ng higpitan nito ang yakap saakin at nagsalita naman si Jack.
“It‘s time.” sabi nito na kinakunot ng noo ko at tiningnan sila na natatawa.
“Happy anniversary, mahal.” sabi nito na kinabalik ng tingin ko dito.
“A―Ano?”
“Hindi mo man lang ba ako babatiin? Napakasama mo naman saakin.” sabi nito at mabilis ko siyang pinalo.
“Dilim―” Napalingon ako sakanila nong magsitayuan sila at mula sa loob ng kwarto nito ay binigay ni Polo ang bulalak kay Dilim.
“Chef.” sabi nito at kasunod nito si Nico na hawak naman ang cake.
“Malulusaw ba ito?” tanong nito.
Tiningnan naman siya ni Polo. “Gágo! Ano ‘yan ice cream?” sabi nito saka naman sila nagtawanan at napabalik nalang ako sa huwisyo ko ng halikan nito ang pisngi ko.
“What do you say?” sabi nito at masama ko siyang tiningnan kahit naiiyak na talaga ako, saka nito pinakita ang cake na alam kong siya mismo ang gumawa at may nakasulat pa ng Happy Anniversary, Mahal kong Panget habang may heart emoji pasa tabi nito.
Natawa naman ako ng hawakan niya ito ng dalawang kamay niya saka humarap saakin.
“Cake?” sabi nito at tumango ako saka naman kaming lima na pumunta sa sala at nagulat ako sa mga nakahain don na pagkain at mga decorations pa.
“They help me.” sabi nito at niyakap ako pagkalapag nito ng cake.
“Could you forgive me, sweetheart.” sabi ni Polo na kinairap ko. Diko padin makakalimutan kung paano niya ako pagtawanan kanina habang inaasar ni Dilim.
“Watch your words, Polo! She’s my girlfriend.” sabi nito at napayuko naman ito.
“Sorry, chef. Ganda kasi.” napapakamot nitong sabi at natawa nalang ako saka ito tiningnan.
“Still mad?” tanong nito.
“No. 90 % nalang.” sabi ko at mas hinigpitan nito ang yakap niya.
“What do you want me to do para maging 0% yan ha?” tanong nito at agad akong ngumiti saka umiling.
“Nagbibiro lang.” sabi ko saka pinisil ang pisngi niya, at magpapaalam sana ang tatlo para masolo daw namin ang Anniversary date namin, pero tumanggi naman kaming pareho ni Dilim.
“Stay with us. Madaming pagkain ang niluto niyo.” sabi nito at napakamot naman sila.
Habang kumakain kami ay napapatango ako habang tinitikman ang luto nila, ang sasarap. Grabe napapaligiran ako ng isang Chef na at tatlo na future chef pa.
I smile, but as soon I taste the cake, I feel my lips begin to swell.
“Ma―What...did...you..p―?” nahulog ko agad ang hawak kong tinidor at mabilis na napahawak sa leeg ko dahil parang mawawalan ako ng hininga.
“Daniella, anong nangyayayri sa‘yo?” pagaalala ni Dilim saakin.
“C―Can’t...breath!” sabi ko saka muling tiningnan ang ginawa nitong cake. “Y―YOU PUT PEANUT!” nanghihinang sabi ko at narinig ko pa ang pagsigaw ni Dilim sa pangalan ko pero nawalan na ako ng malay at natumba sa sahig.
.....
I feel myself coming around as I hear a familliar voices. Pinilit kong imulat ang mata ko at agad kong nakita ay si Mommy, habang si Daddy at Dilim ay nakikipagusap sa doctor. “Tell me doc, how‘s my daughter?” alalang tanong ni Dad.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM