CHAPTER NINETY FIVE

10 0 0
                                    

THIS SCENE IS BAGO PUMUNTA SI DILIM SA LOLO NIYA PARA MAKIPAGDEAL.

DARK ‘DILIM‘ POV

Abala ako sa pagmamasa ng dough ng lapitan ako ni Gael.

“Chef Dark, pinapatawag po kayo sa labas ni boss.” sabi nito na kinatango ko at agad inalis ang suot kong apron at naghugas ng kamay saka lumabas.

“Sir!” tawag ko dito at lumingon naman ito sakin saka ngumiti.

“Halika may papakilala ako sayo, he‘s my friend ilang beses na kasi silang kumakain dito na mag-asawa at nagugustuhan talaga nila ang dessert na lagi mong binabake.” sabi nito at sinundan ko nga ito at nagulat ako na ang makita ay si Tito Daniel.

“Bro, ito yung sinasabi ko sayo na Chef na gumagawa ng cake para sa misis mo.” sabi nito at agad itong napangiti.

“Hindi naman na pala kailangan ng introduction eh, I know him. Hey, Kamusta kana?” tanong nito at agad nga akong nagmano nito.

“Ayos lang ho Tito.” sabi ko. Napalingon sila saamin.

“Boyfriend ng anak kong si Daniella,” sabi nito na kina-Ahh nito.

“Sige maiwan ko muna kayo.“ paalam nito at inaya nga muna ako nito sa labas.

“Kasama niyo ho ba ngayon si Tita?” tanong ko at umiling ito.

“Nasa bahay. Nagpapahinga. Kamusta naman kayo ni Dani? Pasaway ba?” tanong nito at ngumiti ako.

“Medyo po, pero nakakaya naman.” sabi ko at napatango ito.

“Teka ayos kalang ba?” tanong nito at ngumiti ako.

“Actually hindi ho.” sabi ko at tiningnan niya ako na parang nagaantay ito ng sasabihin ko.

“Chef ho kayo di ba, Tito?” tanong ko at tumango ito.

“Oo, bakit? Gusto mo bang lumipat saakin?” natatawang tanong nito. “Kung alam ko lang na Chef degree pala ang kinuha mo edi sana kinuha kita.” sabi nito at napakamot ako sa gilid ng ulo ko.

“Sa totoo lang gusto ko ho talaga noon, nahihiya lang ako sainyo.“ sabi ko at tumawa ito.

“Pasaway ka. Wag kang mahiya saakin, pero bakit? Gusto mo nga?” tanong nito at umiling ako.

“Hindi ko ho alam kung magagawa ko padin ang magluto.” sabi ko at natigilan ito. “Tanong lang ho Tito, pangarap niyo po ba talaga ang maging Chef noon?” tanong ko at ngumiti ito sa tanong ko.

“I mean pwedeng oo pwedeng hindi, nagpatayo lang naman ako at naging chef dahil kay Eya, gusto ko kasi itong palaging pinagluluto.” sabi nito.

“Pero wala din naman akong ibang nasa isip ko non kundi ang pagluluto kaya siguro, oo, pangarap ko ang maging chef.” sabi nito.

“Anong problema?” tanong nito.

“Pwede padin ho ba akong maging chef kahit nagpapatakbo na ako ng kumpanya?” sabi ko at natawa kaming pareho sa tanong ko.

“Pwede naman. Kung dalawa ka.” pabiro niyang sabi, “Mahirap, alam mo ba na buong araw akong nasa kusina nagluluto kasama ang ibang chef.. mahirap pagsabayin ang nais mo, kailangan mong mamili.” sabi nito at nong manahimik ako ay tiningnan niya ako.

“Gusto ko ho sana ng advice, bilang ama ni Dani..pwede ho ba?“ tanong ko at tumango ito.

“May iba hong pinapakasal saakin ang Lolo ko.“ sabi ko at natawa ito.

“Sinasabi mo ba na lolokohin mo ang anak ko?” tanong niya at umiling ako.

“Wala ho akong balak. Pero alam ko pong nasasaktan ito sa mga nangyayari at mangyayari palang saamin, kaya ko naman ho na isakripsiyo ang pangarap ko.. kaso nakakainis lang na bakit kailangan .. iba ang magdikta sa buhay niyo.” natatawang sabi ko.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon