Hindi naman siya sumagot sa tanong ko kaya binuksan ko na ang Chuckie ko. Rinig na rinig naman ang bawat galaw ko, yung pagalis ko ng straw sa Chuckie at pagtanggal ng plastic sa straw ko at saka ang bawat paglagok ko. "Ah." sabi ko sabay ngiti, inalis naman ni Dilim ang kamay niya sa mata niya at tiningnan ako ng masama.
"Stop it!" sabi naman niya pero dika siya pinansin, bakit ko naman pipigilan ang pag-inom ko ng baon ko.
"God. Ang ingay mo. Can't you even drink without gulping like that?!" sigaw niya, ngayon ay nakaupo na siya ng ayos na kinatawa ko ng patago.
Pero napalis yon ng makitang may panibagong bangas nanaman ito sa mukha niya, kung kahapon ay putok sa labi, ngayon naman ay sugat naman sa may pisngi niya malapit sa mata niya, mabilis kong kinuha ang panyo ko at sinubukan punasan dahil dumudugo pa ng konti. Agad niyang inalis ang kamay ko at pumikit ng mariin. He looks like he's on the verge of crying. Halaaaa. Oh my G! What happened ba kasi?!!!!
"H–Hoy.. ayos kalang ba?" sabi ko naman sakaniya ng mahina. Tumingin siya saakin at nakita ko nalang na huminga siya ng malalim at tumungo uli ang mukha niya. He used his arms to wiped his tears na hindi ko pa naman nakikitang pumapatak.
"I'm not, Sebastian. Alam kong alam mo na hindi ako okay. Bakit ka ba nandito ha? Can you just leave me here alone.. kahit ngayon lang." sabi nito at umiling ako kaya napabuga siya. Inalok ko naman sakaniya ang iniinom kong Chuckie. Ipinatong ko ito sa tuhod niya at nakita ko nalang ang pagtanggap niya nito. Ni hindi siya nagsalita, at ganon din naman ang ginawa ko at napangiti ako ng inumin niya ang Chuckie na binigay ko.
"I still have a vacant time. At saka alam mo naman na ito ang favorite hideout ko dito eh." sabi ko at tumingin naman siya sakin saka umirap dahil alam naman naming pareho na siya talaga ang mas nauna dito, so, mas nauna niya itong maging favorite hideout.
"Want to share?" tanong ko. Ang ibig kong sabihin kung ano ba ang nangyari kagabi pero inabot lang niya ang Chuckie saakin. Napatawa nalang ako ng mahina.
"Ayoko." Sabi nito na kinasimangot ko. "Sige na." pagpupumilit ko saka humigop uli sa Chuckie na hawak ko.
"Galit ka ba kay Ate?" tanong ko at di siya sumagot.
"Magbati na kayo, alam mo bang hindi yon nakatulog kakatawag sa'yo tas dimo naman sinasagot." sabi ko at huminga siya ng malalim.
"Dani, I saw her earlier, wala naman siyang sinabi kaya hayaan mo siya, this is her fault. At saka hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya 'to." sabi nito kalmado lang siya pero seryoso ito, hindi ito nagsusungit pero serious siya. Paano kaya ito? Habang nagiisip kung ano pa ba ang pwede kong sabihin ng tumunog na ang Chuckie ko na pinaparating na wala na itong laman, umiling nalang si Dilim sa sarili niya at kinuha ang bag niya saka tumayo na.
Nakatingin pa din ako sakaniya kahit nakatayo na siya, at nakatingin lang din siya sakin pababa. He poked the top of my head and diniin niya ito, napairap nalang ako saka tinabig ang kamay niya.
"Thanks for the Chuckie. Bring me one again tomorrow." Sabi niya sabay talikod na sakin. At least hindi na super dark ng awra niya tulad ng name niya, gray nalang, hay!
Naglalakad nako pabalik sana ng mapatigil ako at makita sina Ate at Dilim na nag-uusap sa isang gilid. Napatingin ako sa suot kong relo. May fifteen minutes pa ako para sa klase ko kaya kahit pinagbabawal ito ay unti-unti akong naglakad papunta sa kanila pero syempre nagtago ako no.
"...Are you breaking up with me?" rinig kong sabi ni Ate... Hala!
"Yes." tipid na sabi ni Dilim. Bakiiiit?
"Why? It's because of what happened last night? How many times should I say sorry to you! I know my mistake, Dark!" naiinis na sabi ni Ate Tali.
"You know your mistake? Then bakit inulit mo nanaman? Sa two months natin, ilan beses ba nangyari 'to? Tatlong beses, apat? May narinig ka ba? Tinanggap ko ang apology mo.. then malalaman ko nalang kanina may nagsundo sayong guy last night. Who's that, Thaliah? Friend? Again?" tanong nito, napalip bite ako. Dilim is so fúcking hurt right now.. halata sa mata nito.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM