"O—Oo." tipid kong sagot kaya napakagat sya sa labi nya at agad na lumapit to sakin at niyakap ako na kinapitlag ko.
"Sobra din kitang namiss. Halos araw-araw kitang namimiss non pero wala akong magawa. At dahil nandito nako sa tabi mo pinapangako ko na hinding-hindi na ako mawawala sayo, Elyanna at babawi ako sa lahat ng taon na nawala ako sa tabi mo." sabi nya at ewan ko napatango nalang ako. Ganon naman talaga siguro pag first love mo. Hindi agad mawawala.
"Pwede naba akong manligaw sayo?" tanong nya kaya inangat ko ang mukha ko.
"Say yes please." sabi nito at napatango ako.
"Sabi kong magyes ka tas tatango kalang." sabi nito kaya natawa ako.
"P-para ka talagang timang." sabi ko at nagpunas pa ng luha na nangingilid nanaman.
"Tss. Ihahatid na kita sainyo, maglakad nalang tayo." nakangiti nyang sabi.
"Pwedeng magsleep over?" tanong ko ng natatawa.
"Hindi pwede, dahil pag natulog ka dito siguradong may mangyayari lang satin kaya umuwi kana." sabi nya kaya agad na napalunok ako sa laway ko at agad na dinampot yung bag ko.
"E-Edi uuwi na." sabi ko at nauna na ngang lumabas at lumapit kay Manong driver.
"Manong mauna na po kayo sa bahay na ihatid yang kotse." utos ko at tumango naman sya.
"Sige po Ma'am!" sabi nya kaya hinarap ko nasi Dane at naglakad na nga kami .
"Bat ka pala lumipat dito?" tanong nya sakin.
"Wala naman. Gusto ko lang ng magisa." sabi ko.
"Eh pano yan pag magasawa na tayo? Edi ayaw mo din akong kasama sa bahay?" tanong nya at hindi ako nakaimik sa tanong nya.
"Tss. Wag ka ngang maglagay ng makeup masyadong pulang pula mukha mo." sabi nya.
"Hoy! Hindi ako naglalagay ng makeup no." inis kong sabi at natawa naman to. Parang baliw talaga.
"Salamat sa paghatid." sabi ko nang makarating kami sa bahay ko.
"Tss. Hatid mo din ako, hinatid kaya kita." sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin ko.
"Joke lang. Sige na pumasok kana." sabi nito sabay kiss sa noo ko, sa magkabilang cheeks, sa temple ko, sa ilong, sa chin at tsyka sya ngumiti.
"Tsyka nasa lips pag tayo na." sabi nito kaya napangiwi ako.
"Ilang beses naman na tayong nagkiss sa lips." mahinang bulong ko.
"Ts. Pervert ka talaga. Tsyka na, hindi maganda ang nangyayari pag nagkikiss tayo sa lips." sabi nya kaya bigla kong naalala yung mga panahon na muntik ng may mangyari samin non.
"Dami mong sinasabi." inis na sabi ko tsaka ito nagpaalam na..
ELYANNA'S POV
Gaya nga ng usapan namin nong last week na naudlot ay lumabas kami, ewan ko ba nagiging marupok ako pag si, Daniel ang pinaguusapan.
Pero nabago na dahil kina Lola na kami pupunta ngayon dahil na din sa request ni Daniel na gusto niyang makita si Lola.
Binalita ko na din pala kay Lianne ang panliligaw ni, Dane sakin. As usual, na-shookt si Ate nyong girl.
Well, support naman daw siya sa amin kasi alam naman niya na matino si, Dane, duwag nga lang talaga siya noon pero okay naman na.
Napagusapan nadin namin yung tungkol sa anak nitong tiyanak este kay, Thaliah. Speaking of tiyanak kasama namin siya ngayon para makilala nito si Lola at maging close daw kami nito dahil para kasi kaming maganda at tiyanak.
Tinanong din ako ni Lianne kung ready ba daw ako maging soon to be a mother of Daniel's daughter, sagot ko syempre okay lang naman sakin basta wag lang siyang ma-attitude like her Mom, magiging tiyanak na talaga siya ng hindi oras.
Sina Simon nalang at Vince ang hindi ko pa napapagkwentuhan, alam kong maiintindihan ni, Simon pero mukhang mahihirapan akong sabihin kay Vincent na nanliligaw na sakin si, Daniel. Alam kong masasaktan ko ito, alam ko naman ang nararamdaman niya sakin. Hindi biro ang limang-taon na paghihintay niya sakin kahit sinabi kong wag siyang umasa.
Nagsuot lang ako ng simpleng yellow dress at ng high heels.
Nang marinig ko na ang tunog ng doorbell ay alam kong sila na 'yon. Pagbaba ko ay nasa loob na sila ni Thaliah. Pinag-buksan na pala sila ni Mom.
Nagi-stay sakin si Mommy ngayon with my new siblings. Yes, Ate na ko. My god!
Nagkita na din sila ni Daddy at nagkaayos na pero hindi pa din sila nagkakabalikan at nirerespeto ko 'yon, I mean namin ni Ate Elaine, nakapag-bonding na din sila ni Mommy at masasabi kong mas close pa ata sila, tss.
"Good morning!" bati ni Dane sakin kaya ngumiti ako at binati din siya.
"Good morning din, Little tiyanak!" sabi ko naman kay, Thaliah pero nginiwian lamang niya ako kaya tiningnan siya ng Daddy nito para batiin din ako pero..
"I'm not saying anything, Dad! Unless she stop calling me, tiyanak!" sabi nito kaya natawa sila Mom and, Dane.
"Why naman so galit, little tiyanak?" tanong ko at pinagcross na niya ang mga braso nito.
"She's not listening, Dad! Grrr." sabi nito na asar na asar na.
"Pasaway ka talaga, Eya." napapailing na sabi ni Mommy sakin kaya tinigil ko na ang pang-aasar ko.
"Saan ba ang date niyo?" tanong naman ni Mommy kay Daniel.
"Pupunta po kami ngayon sa Tagaytay sa Lola ko po." pagpaalam nito.
"Oh, mabuti 'yan pero kumain muna kayo ng niluto ko bago kayo umalis dahil for sure malayong byahe 'yang gagawin nyo." aya ni Mommy at umuo si, Dane. Nagpapalakas ata! HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
РомантикаBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM