ONE WEEK LATER, I‘m in the school finishing up my model, nang biglang lumapit si Ken kung saan ako nakapuwesto at tiningnan ang gawa ko. “How‘s it going?” tanong nito.“Great actually.” sagot ko ng hindi ito tinitingnan.
“Sigurado ka? Sa itsura kasi parang..hindi pa okay eh.” sabi nito na kinapikit ko ng mariin saka ito tiningnan ng masama.
“Bakit ba palagi ang negative mo ha?” naiinis kong sabi at natawa naman ito saka pinagmasdan muli ang gawa ko.
“Bakit hindi?” saka ito tumingin saakin at ngumisi, maya-maya ay bumalik na din ito sa pwesto niya na kinabuga ko, kelan ba sasapian yan ng mabuting ispirito kahit isang beses lang, jusko. Saka naman tumunog ang phone ko at mula ito sa number ng kapatid ni Lala nasi Vina.
[NEW LANDLORD]
Daniella, unfortunately, I‘m going to need you to move out of the apartment. Thanks in advance.
“WHAT THE FÚCK!” mura ko saka napatayo ng marahas dahilan para mapalingon ang mga kaklase ko.
KINABUKASAN ay nakipagkita kaagad ito saakin malapit lang sa apartment na tinutuluyan namin para mapagusapan ang pagpapaalis nito saamin.
I‘m crossing my arms while looking at her. “So bakit hindi na kami pwedeng mag-stay sa apartment ha?” tanong ko at huminga ito ng malalim saka tumingin saakin ng deretso.
“Ang sabi saamin ng real estate agent may client daw na gustong bumili ng building, at ang inaalok nilang presyo ay sobrang laki para tanggihan pa.” sabi nito na kinairap ko.
“You have to move out next week.” sabi nito saka ngumiti saakin.
“Alam ba ito ni Lala?” tanong ko.
“No. And even she knows it, wala naman itong magagawa. Saakin nakapangalan ito kaya gagawin ko kung anong gusto kong gawin.” sabi nito at tumawa naman ako ng mahina sa harapan niya at halata ang inis sa mukha nito.
“Fine. Kung ikaw lang din naman ang magiging land lady ko, wag nalang.” sabi ko saka kinuha ang bag ko at iniwan ito.
Pag-uwi ko sa apartment ay saka ako tinamaan ng pagaalala kung saan kami makakahanap ng apartment ng ganon kabilis. One week talaga?! May bad feeling talaga ako sa babaing yon, ang sarap niyang prituhin.
Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan si Dilim para ipaalam ang nangyari.
“Mahal.” saad nito pagkasagot nito at rinig ko pa ang mga sigaw ng mga kasamahan nito, nasa kalagitnaan yata ito ng pagluluto.
“Busy ka ba, mahal?” tanong ko.
“Medyo. Bakit? Anong problema? Bakit ganiyan ang boses mo?” tanong nito at huminga ako ng malalim.
“Mamaya nalang paguwi mo mahal.” sabi ko.
“Ano sabing problema?” tanong nito at rinig ko pa ang mahina nitong pagbulong sa kasama nito na tila may inuutos ito.
“I‘m fine. Just go home early, okay.” sabi ko.
“Shít. Fine. Sige-sige, tapusin ko lang ito.” sabi nito at nagpaalam na nga ako.
A FEW HOURS LATER, dumating na nga si Dilim at halata ang pagaalala sa mukha nito ng lapitan niya ako at tumabi saakin sa sofa.
“Andito na ako. Tell me, anong problema?” tanong nito habang nakatingin saakin ng seryoso.
“We have to move.” sabi ko at kumunot naman ang noo nito.
“Excuse me? Anong ibig mong sabihin?” tanong nito.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM