Magkatabi kami ni Vicente habang nasa harapan namin si Nanay na medyo kumalma naman na ng ten percent.
Pinatawag kasi ni Nanay at gusto daw kausapin. "Anong trabaho mo?" tanong kaagad ni Nanay. Hindi pala alam ni Nanay na boss ko 'to.
"Nay, jackpot yan si Karen.. boss niy–"
"Kuya!" saway ko sabay kurot sakaniya.
"So, ganon ba yon porket boss ka ng anak ko ayos lang na kunin mo ang isang bagay na hindi na maibabalik kahit kailan, ganon ba yon? Magpaliwanag ka." tanong pa niya.
"Hindi po ganon... Mahal ko po si Karen." sabi nito at kita ko na ang pagpapawis ng palad nito.
"Di ba dapat ibinibigay lang yan sa lalaking makakasama mo panghabang-buhay! Sige nga, kung natuloy ang nangyari noong isang gabi, anong balak mong gawin?" tanong nito at natahimik si Vicente. Si Nanay talaga.
"N–Nay, hindi naman po ako pinilit ni –"
"Kung sakali man ho na may nangyari saamin, makakaasa po kayong pakakasalan ko si Karen." sabi ko at nanlaki ang mata ko.
"Vincent hindi mo kailangan sabihin yan–"
"Tumigil ka Karen! Sigurado ka bang pakakasalan mo 'tong anak ko? Sa nakikita ko mayaman ka naman bakit si Karen ang nais mo?" tanong nito.
"Nay, naman! Grabe ka ha–"
"Tumahimik ka, hindi ikaw ang kinakausap ko, mamaya kita kakausapin." sabi nito na kinabuga ko.
Kita ko na talaga ang pagpapawis nito at kita ko ang pagkagat nito sa ibabang labi niya. "Pakakasalan ko si Karen kasi mahal ko ho siya, wala na ho akong nakikitang ibang babae na nais makasama sa araw-araw, wala na po akong ibang nais mayakap, at mahagkan.. Ma'am, nababaliw na siguro ako?" sabi ni Vicente at tumango naman si Nanay.
"Palagay ko nga." sabi nito na kinasimangot ko, si Nanay parang di ako anak! Huminga ng malalim si Nanay.
"Hindi ko naman sinasabi na pakasalan mo siya ngayon, baka iniisip mo pinipilit ka, hindi ganon. Nais ko lang sabihin na, wag kayong mag-madali sa pagbukaka!" sabi ni Nanay pero sakin siya nakatingin.
"Sabihin na natin na mayaman ka at kaya mong sustentuhan si Karen kung sakali man na may mangyari sainyo at mabuntis ang babaing 'to, kaya niyo na ba? Ikaw Karen, kaya mo na bang maging ina ha? Vicente, kaya mo bang magpaka-ama, dahil kahit magsustento ka ng libo-libo sa anak ko kung magbubuhay binata ka, wala din, ganon din sa'yo babae! Kakabente uno mo palang, pero kung sa tingin niyo kaya niyo ng mag-alaga ng bata, edi sige! Bahala kayo, walang pipigil sainyo." sabi ni Nanay.
"Kaya ang pinapayo ni Nanay wag kang magpapabuntis kaagad, hindi ba nay?" tanong ni Kuya Randy, at huminga si Nanay ng malalim saka tumango.
"Kaya gumamit kayo ng protection, madami niyan sa convenience store." sabi nito at napatayo si Nanay at pinaghahampas ang braso ni Kuya, napansin ko naman si Vincent na nakayuko at natatawa sa mga nangyayari, paano niya nagagawang tumawa? Natatakot na nga ako kay Nanay eh.
"Hayop ka talaga, Randy, lumayas ka dito! Masyado kang bad influence sa kapatid mo–"
"Ay wow si Nanay alam ang protection?" natatawang sabi nito at napailing nalang ako. Hinawakan ni Vicente ang kamay ko.
"Kumalma ka, ayos na ako. Naiintindihan ko ang gustong mangyari ng Mama mo, alam ko na masyado akong naging mapusok sayo, wag kang mag-alala pakakasalan muna kita bago natin gawin 'yon." mahina niyang sabi habang sina Nanay ay naghahampasan pa.
"Hoy Nay, tingnan mo oh, magki-kiss na yan!" sabi nito at binato ko agad si Kuya ng unan, bwesit talaga.
SIMON POV
ILANG MONTHS NA DIN SINCE NILIGAWAN AKO NG BABY LIANNE KO. Kinikilig pa din talaga ako, gagii.
Hindi pa namin masabi kina Eya, Fafa Daniel, at kahit kay Vincent dahil hindi namin alam ang magiging reaction nila. Aasarin lang nila ng todo ang baby ko. Hmmp.
"SIMON!" rinig kong tawag ng Baby ko.
Nagmamadali akong bumaba at agad niya akong sinimangutan. "Anong mukha yan ha?" tanong ko saka lumapit at hinalikan ito sa pisngi niya.
"Bat.. Bakit nakapink head band ka?" tanong nito.
"Bakit? Lagi ko naman 'tong sinusuot ah? Ang cute cute ko nga eh." sabi ko sabay salamin. Pak! Gandaaaa! Pero nawala ang ngiti ko ng makitang seryoso talaga siya.
"Bakit nanaman ba ha?" pag-amo ko dito.
"Pwede bang tanggalin mo muna yan kahit ngayong araw lang?" mahinang tanong nito.
"Bakit, pangit ba?" tanong ko.
"Hindi. Cute nga eh. Mukha kang girly, pero ayun ang problema, pupuntahan natin ang parents ko, ipapakilala kita as my boyfriend" sabi nito at nanlaki ang mata ko.
"God. Hindi ata ako ready? Pulis ang Daddy ni Lianne." natahimik ako kaya agad niya akong niyakap.
"Please... Kahit ngayon lang? Please.." sabi pa niya, sheeet. Love na love ko si Lianne kaya for sure hindi ko ito kayang tiisin.
"Okay. Papalit lang ako. Stay put kalang dyan ha." Mahinang sabi ko at napangiti ito.
Nagmamadali akong umakyat at hinalungkay ang mga gamit ko pero tsnginá! Bakit puro pink and polo ko? No, this can't be!!! Oh my godd. Wait kalang dyan, baby.
Pinaghahalungkat ko ang mga gift saakin non na damit. Buti hindi ko ito binargain, may saysay ka na din, ha!
Ay pak! Naiinlove ako sa sarili ko, ang pogi eh! Pumasok naman si Lianne at agad natigilan ng makita ako. "What do you think, Baby Li?" tanong ko at dahan-dahan itong lumapit at hinawakan ang kwelyo ko para ayusin. "Ang pogi mo." namumula niyang sabi.
"Fine. " sabi ko.
Niyakap niya ako. "Simon, sorry kung kelangan mong magchange outfit. Natatakot lang ako sa pwedeng sabihin sa'yo ni Daddy, alam naman niyang magkaibigan tayo noon pa, pero syempre iba na kasi ngayon, boyfriend na kita, paano kung–"
Agad ko siyang kiniss. "Baby Li, ayos lang. Ano ba naman yung mag-effort ako di ba kahit konti. Ako nga nahihiya eh, alam kong mahal kita pero hindi ko talaga kayang maging straight pero tinanggap mo ako and I'm so thankful, kaya nga gagawin ko ito for you, for us." sabi ko at tumingkayad siya para halikan ako na kinapikit ko at niyakap ito.
"Dahil dyan after ng dinner natin may surprise ako sa'yo." sabi nito na kinakagat ko sa ibabang labi ko.
"I can't wait." sagot ko at pumunta na nga kami sa bahay ng parents ni Baby Lianne.
Well, napakilala ko naman na si Baby Lianne ko kina Dad na girlfriend and My dad is soooo proud of me. Okay na daw siya kasi nakikita na daw niya in the future na magkakaapo siya, pero hindi naman nila ako pinipilit na magpakalalaki, kaya I'm so lucky to have a parents like theeem.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM