CHAPTER THIRTY FOUR

52 1 0
                                    

Naupo ako sa tabi ni Dane habang si tiyanak ay nasa gitna nila Mom at Dane, sa kabila ko naman ay si Rina ang bunso. Totoo pala ang nakita ni Daddy noon na may kasama si Mommy na ibang lalaki pero pakana lang ulit 'yon ng Mommy ni Ate Elaine, nabuntis siya nong lalaki dahil may nangyari nong gabi na 'yon sa kanila, hanggang ngayon galit pa din ako sa Mommy ni Ate at diko alam kung kelan ko ito mapapatawad. Dalawa ang naging anak ni Mommy simula nong nawalay ako sakanya. Una si Mikoy na anak nong lalaking inutusan ng Mommy ni Ate Elaine at si Rina na bunso ay nong nagkaroon ulit 'to ng kinakasama, pero hiwalay na sila ngayon dahil sumama sa ibang babae ang siraulong 'yon.

Sobrang proud ako kay Mommy dahil nalagpasan niya lahat ng pagsubok na pinagdaanan niya, sobrang bait ng Mommy ko at masasabi kong sobrang swerte ako.

Pinaglagyan ako ni Mommy sa plato ko at kahit sina Dane at Tali kaya agad nitong hinawakan ang plato niya para ilapit kay Mommy.

"Thank you po!" nakangiting sabi ni Little tiyanak.

"Nice one, tiyanak! You know how to say thank you pala?" pangaasar ko nanaman.

"Tss." sabi nito kaya ginulo ko ang buhok niya .

"Nako, wag mong pansinin 'yang si Mommy Eya mo." sabi ni Mommy kaya nanlaki ang mata ko at nagkatinginan pa kami ni tiyanak.

"Mommy???" sabi nito at napangiwi pa, wow ha? Sa ganda kong 'to, lugi ka pa?

"Well, nagliligawan na kayo kaya saan paba yan patungo? Basta, ingatan mo ang anak ko, ha. Kundi lagot ka sakin." natatawang sabi ni Mom.

"Opo, promise." sagot nito.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kaming aalis.

"Sige, ingat kayo. Wag kayong magpapagabi, ha, itext mo ako kung hindi man kayo makakauwi para hindi ako magalala sayo, ha." sabi ni Mommy at tumango ako at niyakap siya tsaka sumakay na kami sa kotse ni, Dane.

Kinabit ko na ang seatbelt ko at nasa harapan ko si Thaliah na nakakandong, nilalaro yung aircon ng kotse.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at sinuot ulit 'yon pero kasama na si Tali.

"Wag kang malikot, little tiyanak."

"Daaad! Why Tita Eya is so kulit?!" Maktol nito.

"Tell her kasi, Tali. Wag sakin, okay." sabi nito at humarap naman siya sakin at nakayakap na ang dalawang kamay nito sa leeg ko.

"CAN. YOU. PLEASE. STOP. CALLING. ME. TIYANAK. BECAUSE. MY. NAME. IS. THALIAH." sabi nito ng mabagal pero may diin sa bawat words nito kaya napakagat ako sa labi ko dahil natatawa nanaman ako.

"Wag mo na kasi tawaging tiyanak, ang gwapo-gwapo ko eh." sabi ni Dane kaya nagkatinginan kaming dalwa ni Tali at sabay nasuka kuno.

"Hoy, kayong dalwa ha." sabi ni Dane kaya agad na nag-apir kami ni Thaliah.

Pagkalipas ng ilang-oras  ay tuluyan na kaming nakarating sa resort ni Lola.

Napansin kong nakatulog na pala si tiyanak nong humarap ito sakin kaya dahan-dahan kong inalis ang seatbelt ko at kinarga 'to.

"Ako na magbuhat." sabi nito at ng ibibigay ko na kay Dane ay bigla nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakin kaya nagkatawanan kami ni Daniel. Hay nako ka talaga tiyanak!

Sinalubong kami ni, Rica. Isa sa pinakamatagal ng staff nila.

"Hello po, good afternoon!" bati nito samin tsaka yumuko.

"Si Lola, kamusta?" tanong ni, Dane habang papasok kami.

"Nasa prayer room po niya, samahan ko po kayo." sabi nito at sumunod kami sa kaniya.

Agad kinuha ni Dane ang mga pasalubong namin at pumasok na kami sa loob.

"Lola, may bisita po kayo." sabi ni Rica.

"Sino? Ang maganda ko bang apo?" tanong nito at napangiti ako, dahil ako ang tinutukoy ni Lola.

Nong umalis kasi si Daniel non ay dinadalaw ko si Lola Marie every once a month with Lianne or Ate Elaine. Alam ko kasing nalulungkot si Lola Marie dahil wala ng dumadalaw dito dahil nasa states na sila Dane.

"Opo, Lola." sagot ni Rica at tinulungan nito si Lola na makaharap samin dahil nakawheel chair na ito.

"Mga apo ko!" masayang sabi niya.

Medyo weird dahil mga apo, para tuloy kaming magkapatid ni Daniel.

Agad siyang niyakap nito.

"I miss you, La." sabi ni Dane.

"Buti naman sumama kana ngayon kay, Eya!" sabi ni Lola.

Natigilan 'to. "Po?"

"Ikaw ba, pag nadalaw si Eya ay lagi kang wala." nagtatampo na sabi ni Lola kaya tumingin to sakin.

"Dinadalaw mo si Lola?" nakangiti nitong tanong sakin at tumango ako.

"Every once a month, alam kong gusto din nito ng bagong kausap kaya sinasama ko din minsan si Lianne o kaya si Ate!"

Si Lianne kasi masasabi kong pinakaclose ko sa dalwa kina Simon, kay Simon kasi naaalala ko si Dane kaya minsan ayaw ko 'yang kausap.

"Hindi ka po ba dinadalaw nila Mommy dito?" tanong ni Dane at kumunot ang noo ko dahil kasama niya sina Tita diba sa states.

"Hindi po, sir!" sagot ni Rica at napansin naming naluluha si Lola.

"K-kailan ba sila dadalaw dito?" tanong ni Lola at kita ko ang galit sa mukha ni, Dane kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"What's wrong?" tanong ko.

"Nakiusap ako sakanila, after naming ikasal ni Vanessa, nakiusap akong umuwi sila ng pilipinas para madalaw man lang nila si Lola pero mukhang hindi man lang nila ginawa." disappointed na sabi nito tsaka ito lumapit kay Lola.

"Sorry, La kung ngayon lang ako." sabi nito.

Agad akong nagpasama kay Rica para ihatid si, Tali sa kwarto para makatulog to ng maayos.

"Anak nyo po ba 'yan ni, Sir Daniel? Ang ganda naman pong bata na 'yan, kaso mukha pong nakuha niya ang lahat sa Daddy." natatawang sabi ni Rica habang kumukuha ng kumot sa cabinet.

Hindi na lamang ako sumagot, ayoko naman magkwento no.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon