KINABUKASAN
Masakit ang ulo at hapdi ng mata ang naramdaman ko ng magising ako.
sakit ng ulo dahil sa late nadin ako nakatulog at paghapdi ng mata dahil halos magdamag akong umiyak, huminto nalang ata ako dahil nakatulog na ako.
Sinulyapan ko ang wall clock at kalahating oras nalang at siguradong mali-late ako pag hindi ako nagmadali pero tinatamad ak𝗈.
Ayokong pumasok!
Nagring ang phone ko at si Daniel 'yon.
"What?" pagkasagot ko sa tawag nito.
"Wake up, sleepy head. Mali-late kana!" Sabi neto.
"Who cares?" sabi ko at naupo sa kama ko.
"Tsk. Isa!" sabi nito.
"Dalawa!" sagot ko naman.
Narinig ko ang malakas na paghinga nito.
"Kahit magbilang ka pa hanggang one hundred hindi pa din ako papasok." sabi ko at tumayo na tsaka lumabas na ng kwarto.
Pagbaba ko ay nagulat ako ng makita ito sa sala at kausap si Daddy. WTH!
"What are you doing here?" kunot noong tanong ko.
"Tss." tanging sagot nito.
"Bakit nakaganyan ka pa?! Aba't mali-late ka na ah!" tanong ni Dad sakin.
"Ayokong pumasok!" sagot ko.
"Hindi pwedeng hindi ka papasok, magbihis ka na!" sigaw ni Dad at naningkit ang mata ko ng makita ang pagbelat ni Dane sakin.
Ang baklitang 'to, napakahayufff!!!
"K fine!" sagot ko at inirapan muna si Dane bago umakyat.
Kahit mahal ko siya, masasapak ko talaga siya! Harangin ba naman nito ang pagkagusto kong hindi pumasok.
Argh!
Naligo na muna ako, bahala siyang maghintay at ma-late tulad ko, ginusto niya to. Magtiis siya!
Pagtapos kong maligo ay namili na muna ako ng isusuot ko ng may kumatok sa pinto.
"WHAT?!" tanong ko kahit hindi binubuksan ang pinto.
"Open the door." boses ni Dane kaya napairap ako at binuksan yon.
"Hindi makapaghintay!" inis kong bungad dito pero isang pair ng uniform ang hawak nito at inaabot sakin kaya kinuha ko.
"What do you want me to do this, huh?" walang gana kong tanong.
"Suotin mo kung ayaw mong I-shoot kita sa drum, kasya ka don dahil maliit kalang naman." sabi nito at agad umarko ang isang kilay ko.
"I don't need that!" sabi ko sabay balik non sakanya pero isinaksak lang nito pabalik sakin yon. Argh, this man is really getting to my nerves!
"Wear that or else--"
"Or else what?!"mataray kong sagot.
"Nothing. Basta! Wag makulit." sabi neto.
Hmp. Ewan ko sayo! Balakajan! Sabi ko at akmang isasara ko ang pinto ay pinigilan nito iyon.
"Ano ba?!" nakasimangot kong sigaw.
"Susuotin mo 'to o ako na ang magsusuot nito sayo, mamili ka." sabi nito na ikinainit ng pisngi ko.
"P-Pinagsasabi mong bakla ka!" mahina pero pasigaw padin.
"Tss. Faster!" sabi niya pero hindi ko pa din kinuha ang uniform at nagsuot lang ng gusto kong damit.
Mabilis na nagbihis ako dahil narinig ko nanaman ang katok nito.
"Hindi makapaghintay!" inis kong sigaw pero mahinang tawa lang nito ang narinig ko.
Pagkatapos kong magprepare ay lumabas na akong walang kagana-gana.
"Why are you wearing---"
"Stop!" sabi ko at napailing nalng siya.
Lumapit to sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinila para magkorteng ngiti iyon. (Basta intindihin nyo. 😂)
"Smile. Umagang-umaga nakabusangot ka!" sabi nito at isang irap agad ang ginawa ko at tinabig ang kamay niya.
"Ikaw ba naman makita ko, sinong hindi maiinis ha!" sabi ko at ngumisi lang siya.
"Talaga ba? Baka nga ngayon e hindi ka na makahinga sa sobrang pagkakilig sakin." sabi nito na agad kinaningkit ng mata ko.
"Problema mo, ha?! Nakadrugs kaba!" inis kong saad dahil tama ito hindi lang ako kinikilig ngayon, sobrang lakas din ng kabog ng dibdib ko pero at the same time nawi-weirdohan din ako sa baklang 'to.
"Tss. Tara na! Dahil sayo mali-late din ako ngayong araw." sabi niya sabay hila sakin.
Whatever, dude.
Pagkababa namin ay nakita kong nagsusuot si Dad ng coat niya, mukhang paalis na siya.
Bat hindi pa niya isama yang mga alipores niya.
"Late na kayo ah." sabi ni Mommy samin na parang wala lang ang mga nangyari kagabi.
"Oo nga po, Tita. Sige po, alis na kami. Bye , Tito." paalam dito at tinapik naman sya ni Dad sa balikat nito at makikipagbeso pa sana si Dane kay Mommy ng hilahin ko na siya.
"Let's go!" seryosong sabi ko kaya yumuko nalang ito sakanila at sumunod na sakin.
"May topak ka nanaman ba? Ano bang nangyare?" tanong nito na kinairap ko.
"Sesermonan mo nanaman ba ako?" balik ko sakanyang tanong.
"Well, no. If sasabihin mo sakin kung anong nangyari sayo." sabi nito at umiling lang ako.
"Ayokong pagusapan, kung pwede." sabi ko dito at bumuntong hininga ito tsaka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse niya at sumakay na ako.
Tahimik lang kami, ayoko munang magsalita sa ngayon dahil baka lalo akong mairita at sakanya ko maibunton lahat ng inis ko sa nanay kong walang kwenta!
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM