CHAPTER FIFTY THREE

39 1 0
                                    

Note: Edited this chapter, thanks.

"Lalabas pa din naman tayo di ba?" tanong ko at tiningnan niya ako ng ilang sandali at nong ngumiti ako ay para siyang kumalma at ngumiti siya saakin at tumango.

"Sunday." saad niya sabay halik sa kamay ko kaya naman hahalikan ko sana siya ng... bakit hindi ako makalapit?!!! Sinubukan kong muli pero.. pútaaaaaa! Nakasuot pako ng seatbelt, nakita ko ang pag-iwas nito ng tingin habang natatawa, napatakip pa siya sa mukha niya.

"Kiss?" tanong nito at tumango ako.

"Kapag hinalikan kita uli tayo na." tanong nito at mabilis kong inalis ang suot kong seatbelt at ako na ang humalik sakaniya, napakapit ito sa braso ko habang masuyo niyang hinahalikan ang ibabang labi ko.

Saka ito ngumiti at niyakap ako. "Teka lang, ibig bang sabihin.. gusto mo ako?" tanong ko at natawa siya ng mahina.

"Alam mo madaldal kalang pero makakalimutin ka, tingnan mo nangyari sa'yo, muntikan kana sa gágo na yun, pasaway ka talaga." sabi nito.

"Paano kung natuloy niya? Aayaw ka na ba saakin kasi nakuha nito ang twenty years kong iningatan?" tanong ko at umiling siya.

"Sabi ko naman sayo kanina di ba, may balak na nga akong tanggapin ka kahit anak mo ang batang nakita ko kagabi basta hindi mo lang asawa ang lalaking nakita ko, at tsaka hassle lang 'yon." sabi nito at namula naman ako.

"Ibig sabihin sir hindi kana–Ay!" Sabi ko at tinaasan niyako ng kilay.

"Bakit aayawan mo na din ba ako dahil may karanasan na ako sa babae?" tanong nito at umiling ako. Sabi naman ni Kuya walang nawawala sa lalaki kaya ayos lang daw na kahit may karanasan na ang lalaki pero dapat ang babae daw ay dapat doon lang sa lalaking pakakasalan mo, tama, tama.

Bigla namang tumawa si Vicente.

"Alam mo hindi ko inakalang may pagkapilya ka ha, ano ang iniisip mo?" tanong nito.

"Ikaw." deretsong sabi ko at ngumiti siya.

"Except saakin–"

"Kasal natin." bigla naman siyang naubo kaya tinaasan ko siya ng kilay. Tss.

"Ang fast mo ha, but I like that. We'll get there, soon, Karen. I know, darating tayo dyan." sabi nito at ngumiti ako.

"Nagbibiro lang, pero masaya ako na boyfriend na kita. Hindi ko ini-expect, kasi naman.. two years na ako sa team mo pero hindi mo naman ako napapansin, crush na crush na kita noon palang pero alam kong imposible lalo na kapag nakikita kita na dinadala mo si Miss Eya, o kaya naman dinadalaw ka niya para ayain kang mag-lunch sa labas." Sabi ko sabay yuko.

Hinawakan nito ang chin ko, "Fúck. Bakit ang seryoso mo naman, hindi ako sanay.. sobra ba kitang nasaktan noon?" tanong nito at umiling ako.

"Ayos lang, hindi mo naman alam, pero masaya talaga ako." sabi ko at tumango siya.

"Kaya mo ba ako niligtas noon?" tanong nito at tiningnan ko siya at tumango ako. Yung na-injured ang paa ni Vincent noon dahil sa nangyari na electricity explode, nalock siya sa loob ng opisina nito and hindi ito makalabas, kaya kahit nahihirapan ako non ay ginawa ko ang lahat para mabuksan ang pinto at nakita ko nalang na wala siyang malay, "Paano mo pala na ako ang nagsave sa'yo noon?" tanong ko.

"Naririnig ko na noon pa sa kanila, gusto ko ngang mag-pasalamat but you just keep ignoring me, or kaya naman puro ka daldal sa mga kasamahan mo kapag nakikita moko kaya hindi na ako nagaksaya pa na lumapit, at saka andami ko na din iniisip non about kay.. Eya and pagbalik ni Daniel." pag-amin nito na kinatango ko saka ngumiti.

"Wala ka bang itatanong saakin?" tanong nito at napatitig ako sakaniya. Gusto kong tanungin kung totally forget na niya si Miss Eya, pero ayoko munang sayangin ang moment na 'to, and ngayon namang kami na I will do everything na maging akin na talaga siya. Sinagot ko ang tanong niya ng isang mabilis na halik saka kinuha ang bag ko at nagpaalam na, nakita ko pa ang pagtawa nito ng mahina at aalis na sana ito ng sumilip ako at tiningnan naman niya ako. "Sunday, di ba?" tanong ko at ngumiti siya saka tumango. "Yeah." nakangiti niyang sabi kaya nagmadali na akong pumasok sa loob.

ELYANNA'S POV

AFTER MONTH'S LATER

"What do you think?" tanong ko kay Dane habang pinapatikim ko sa kaniya ang niluto kong Calderetang baka na favorite neto.

"Hmm..uh..okay..." sabi neto kaya napasimangot ako.

"Hey, don't be mad..promise okay talaga ang lasa...it's..just a little bit..salty?" sabi nito sabay smile kaya naman inalis ko ang suot kong apron.

"Hey." sabi nito.

"Ayoko na magluto, lagi nalang. Ilang beses na akong nag-try. I already told you so many times na hindi ako marunong mag-luto." asar kong sabi at naramdaman ko ang pagyakap nito sakin.

"Okay lang sakin kahit hindi ka marunong magluto, mahal pa din naman kita eh." sabi nito kaya napakagat ako sa ibabang labi ko dahil kinikilig nanaman ako sa bwesit na 'to.

Agad na hinarap niya ako sa kaniya at hinawakan ang tiyan kong sobrang laki na.

"Hello baby girl, wag kang gagaya sa Mommy mong mainitin ang ulo, ha." sabi nito kaya piningot ko ang tainga niya.

"What did you say??!"

"I said, I love you very much to infinity and beyond, to the moon and back." sabi nito kaya natawa ako ng mahina.

"Basta Daniella ang ipapangalan natin sa baby." nakasimangot kong sabi at nakita ko ang pagngiwi nito.

"Sigenaplease..." sabi ko na nagmamaktol na.

"Bakit ba gustong-gusto mo ang Daniella ha?" tanong nito.

"Dahil 'yon naman talaga ang dapat na itatawag ko sayo noon kaso dahil sa maarte ka naging Dane nalang." sabi ko dito.

"Ang pangit naman kase diba, pano nalang ngayon kung pumayag ako sa gusto mo noon edi tawag mo sakin ngayon is Daniella, ha." sabi nito na napapailing pa.

"Basta. Whether you like it or not, Daniella ang ipapangalan natin." sabi ko at tumalikod na.

"Okay. Okay. Fine." sagot nito at pinagpatuloy nalang namin ang ginagawa sa kitchen.

Nag-imis muna ako ng kalat sa kusina dahil inaayos pa ni Dane ang timpla ng ginawa ko sa lunch sana namin ngayon.

Habang nagpupunas ay naramdaman ko ang paghilab ng tiyan ko. Oh no.

"D-Dane..." mahina kong sabi.

Hindi ako narinig nito dahil may kinuha siya sa ref kaya napahawak ako sa may dulo ng mesa habang ang isang kamay ko ay nasa balakang.

Napapikit ako ng mariin hanggang sa naramdaman ko nalang na parang may lalabas na at sobrang sakit.

Agad na sumigaw ako. "D-DANIEL!!!"

Lumingon siya sakin at agad na lumapit.

"Bakit, anong nangyayare, ha." tanong neto.

"M-Manganganak na ata ako, Dane..bring me to the hospital now, please..." sabi ko at agad naman nitong pinátay ang kalan at tinawag si Manang Alma.

"Tulungan mo ako, pakibukas ng gate." utos nito kay Manang Alma at sinunod naman niya.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon