"Introduce yourself." sabi ni Ma'am sakaniya.
"My Name is Vanessa Smith. Eighteen years old and, I'm Fiancée of Mr. Daniel Luke Sebastian ." sabi nito kaya napatiim baga ako kita ko ang tingin sakin ng mga kaklase ko.
"Oh.. Fiancée kani Mr. Sebastian." gulat na sabi ni Ma'am at kita ko ang pagtingin nya kay Dane at sakin.
"Can I take the seat beside of My fiancé?" nakangiting sabi ni Hali in short of haliparot
Hindi agad nakaimik si Ma'am.
"May nakaupo na kase don, if okay sa'yo don ka nalang sa tabi ni Mr. Romualdez." sabi nito.
"But Ma'am. I'm his fiancée, so dapat ako ang katabi nya." sabi nito kaya naman halos manggalaiti nako sa inis, tiningnan ako ng mga kaklase ko sa harapan ko.
"Kalma sis, kami bahala!" sabi ni bakla kaya kumunot ang noo ko.
"Hi Ms.Transferee. Yuhoo! Come here, baby! Dito kasa tabi ko chika tayo, pagusapan natin kung may pagkain ba kayo sainyo kasi ang skinny mo eh." sabi ni Simon ata yun at hinila ito sa tabi nya at pinaalis ang dati nitong katabi.
"Hi baby!" nakangiting sabi ni haliparot ng makita nya si Dane.
"What are you doing here?!" bakas sa boses nito ang inis pero wala akong paki.
"Baby naman." sabi nito kaya sa sobrang inis ko ay tumayo ako at kinuha ang bag ko.
"Eya!" pagpigil ni Dane sakin pero tinabig ko lang ang kamay nya at hinarap si haliparot.
"Hoy babae!" sigaw ko dito at tumingin naman sya sakin.
"Umalis ka dyan!" sigaw ko dito kaya tumayo ito at naupo ako sa tabi ni Simon.
"Ay mas bet ko yarn! Katabi kita sisz, muuuuch better!" kinikilig na sabi ni Simon .
"Shut up!" inis kong sabi saka ito inirapan.
"Ouch naman! Balatan kita sizs gamit nail cutter you want? Attitude ka." sabi nito kaya natawa ako .
AFTER CLASS NAMIN AY LUMABAS NA AGAD AKO. Oo ako lang! AKO LANG! Buseeet!
Hindi ko na nakita si Hali o si Dane man.
"Kala ko talaga magjowa kayo sizs!" sabi ni Simon na bakla na nasa likod ko pala kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Oo nga, sobrang close niyo diba?" sabi naman ni Lianne at diko alam kung kelan pa sila nakakuha ng lakas ng loob na kausapin ko, well, nakakapagtaka lang dahil lahat ng mga naging kaklase ko is tawag sa akin ay anak ni satanas.
"Ang tsismosa nyo!" inis kong sabi at inunahan silang maglakad. Sumunod naman sila sakin.
"Ang harsh neto. Dali gala tayo, matatapos na school year natin! College na tayo next year." sabi ni Lianne.
Oo nga no. Matatapos na ang taon na etong dalwa palang ang nakakausap ko.
"San nyo balak?" tanong ko.
"Bar tayo sizs! Madaming pogi don promise." sabat nman ni Simon kaya naman napaisip ako.
"Wag ka ng magisip sizs! Wala ka naman non." sabi nito kaya binatukan ko sya.
"ANONG SABI MO?!!" Inis kong sabi.
"Joke lang eto naman, napakaviolent mo pala, tara na." sabi nito kaya naman tumango nalang ako at sumama nasa kanila, bahala si Dane sa buhay niya, iniinis niya ako!
BAR
"Sige pa girl!" sigaw ni Lianne kaya naman ininom ng ininom ko lahat ng binibigay nila sakin kahit halos nasusuka na ako. I can't do this. Napapailing-iling ako, nahihilo na ako.
"Inom lang sizs! Makakalimutan mo din si ... Oh my Daniel!" rinig kong sabi ni Simon kaya napalingon ako sa tinitingnan nilang dalwa.
Napapikit ako saka umiling-iling uli saka minulat ang mata parang tingnan ang isang lalaking nasa harap na namin.
"Hoy bakla! Lasing naba ako?!" sabi ko sabay lapit don sa lalaking nasa harapan ko.
"Alam mo ... Kamukha mo yung... taong mahal ko!" sabi ko sabay lagay ng kamay ko sa leeg nya at sumayaw sa harap nito.
"Stop, Eya!" rinig kong bulong nito pero hindi ko siya pinansin at sumayaw-sayaw pa din ako. Naramdaman kong may humila sakin.
"Umuwi na tayo." mahinang sabi nya sa tainga ko dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko at mapayakap nalang sa leeg niya.
"A-Ayoko pa." mahinang sagot ko, narinig kong nagsasalita ito at kinakausap ang mga kasama ko pero hindi ko na siya halos marinig.
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong buhatin palabas at sinakay sa kotse.
"D-Dane.." sambit ko.
"What?" rinig kong sabi nya habang inaayos nya ang seatbelt ko .
"N-Nasan nasi, Hali?" tanong ko.
"Hali?" Tanong nito habang inaayos ang nagkalat kong buhok sa mukha.
"Tsk! Yung Haliparot mong fiancee na walang food sa ref!" sigaw ko at rinig ko ang mahina niyang tawa.
"Umuwi na sya." sabi nito kaya napatango ako at napapikit dahil nanlalambot ako na ewan.
-
-
-
Naramdaman ko nalang na may bumubuhat na sakin hanggang sa ihiga ako.Amoy na amoy ko ang pabango nya at hinding hindi ko yun malilimutan.
"D-Dane." tawag ko at hinawakan ang braso nya at pinipilit buksan ang mata ko.
"H'wag ka nalang umalis please.. wag mokong iwan, I need you, paano na ako?" sambit ko habang umiiyak tsyka ko naramdaman ang pagdampi ng labi nya sa labi ko hanggang naging mapusok yon
Ramdam ko ang paglipat ng labi nya sa leeg ko paakyat sa tainga ko at may binulong to.
"I love you!"
"S-Say it again, please..." sabi ko habang nakapikit pa din.
"I said, I love you!" sabi nito sabay siil uli sa labi ko kaya napayakap ako sa leeg nito ng itulak ko siya at biglang sumuka sakaniya.
"Fuck!" rinig kong sabi nya.
"Sorry." sabi ko kasunod non nakatulog nako.
KINABUKASAN ramdam ko agad ang pagkirot ng ulo ko. Argh! Tiningnan ko ang paligid at ang sarili ko . Nanlaki ang mata ko ng makitang nakahubad ako bigla kong naalala na nagkiss kami kagabi ni Dane. Shocks! May nagyari ba samin?! Pero wala naman masakit sakin. Kinapa-kapa ko ang sarili ko at ang pribadong parte ko kung may masakit pero wala.
Biglang nagbukas ang pinto at bumungad don si Dane.
"D-Dane. What is this?!" tanong ko ng kinakabahan.
"Hey. Calm down!" sabi nito sabay tabi sakin.
"Sinukahan moko kagabi." sabi nito kaya natigilan ako at napahawak ako sa ulo ko.
"P-Pero sino naghubad sakin?" tanong ko.
"Ako." tipid nyang sabi kaya nanlaki ang mata ko at pinaghahampas sya ng malakas pero biglang bumaba yung kumot na nakatapis sakin at huli na para matakpan ko ang sarili ko. Agad na napaiwas ito ng tingin habang natatawa at namumula ang tainga nito.
"T-Tinatawa-tawa mo dyan?!" sigaw ko sabay yakap sa sarili ko.
"Tss. Wala akong nakita? It's just a wall with two nipple." sabi nito kaya naman mas hinampas ko sya gamit ang isang kamay ko.
"BASTOS KA! BASTOS!! LAYAAAS!!" sigaw ko at natawa to.
"Bumaba kana." sabi nito at tumayo na sya at lumabas.
Pag labas nya ay agad nakong nagbihis. Pagbaba ko ay halos yakapin ko na ang sarili ko, Kita ko ang pagngisi nya kaya napairap ako at kumain nalang.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
Roman d'amourBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM