CHAPTER THIRTY EIGHT

44 1 0
                                    


Pagkatapos nga ng kasal namin ni Dane kanina ay bumalik na kami sa Resort.

"Congrats po, Sir and Ma'am!" bati samin ng staff.

"Thank you, sobrang naappreciate ko yung effort niyo kanina sa wedding namin. Thank you talaga!" sabi ni Dane sa kanila.

"Wala po yun, Sir!"

Tumingin naman sakin si Dane at hinila ko muna ito malayo kina lola.

Nang kami nalang dalwa ay natahimik ako, wala akong masabi.Totoo ba, asawa ko naba talaga 'tong lalaking to, hindi pa din ako makapaniwala.

"Hindi kana makapagsalita, ah?" sabi nito.

"Nakakagulat lang, kahapon kasi single pa ako at walang jowa pero ngayon...may asawa na ako.." sabi ko at natawa lang siya.

"Nagsisisi kaba?" tanong nito at umiling ako, dahil totoo naman. Wala akong pagsisisihan.

"Paano natin 'to sasabihin sa parents natin?" tanong ko.

"Wag kang magalala, sasamahan kitang magsabi sakanila okay." sabi nito at tumango ako.

Pumasok na kami sa loob at kumain dahil ang dami palang niluto ni Dane kanina, halos hindi ito nakatulog maprepare lang 'tong wedding namin.

Habang kumakain kami at masayang naguusap ng makarinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

Agad akong tumayo at kinuha 'yon. "Excuse me muna." sabi ko sakanila at lumabas.

"Hello, Mom.." sabi ko.

"Nasaan ka naba, Eya? Anong oras ka uuwi? Bakit inumaga na ata kayo?" nagaalalang tanong ni Mommy.

"Sorry, Ma. Gabi na din kasi para bumyahe pa. Hindi naman po ako naka-message kasi nalowbat po ako, sorry talaga." sabi ko kay Mommy at narinig ko ang paghinga nito ng malalim.

"Umuwi kana, andito sina Simon at Vincent, nagwala kasi si Vincent dito kagabi, lasing na lasing." sabi ni Mom at napa-oo nalang ako.

Lumapit naman si Dane sakin.

"May problema ba?" Tanong nito.

"Nasa bahay daw si Vincent ngayon, nagwala daw kasi kagabi dahil lasing na lasing. Dane, uwi muna ko." sabi ko

"Mag-grab nalang ako, don't worry tatawag ako sayo pag nasa bahay na ako." sabi ko kaya tumango ito at niyakap ako.

"Bukas uuwi na din ako at magpapaliwanag tayo bukas, okay." sabi nito at tumango ako.

"Isama ko naba si, Tali?" tanong ko at tumango ito.

Pagkatapos naming kumain ay nagtawag na si Dane ng Grab.

Hindi na ako nakapag-paalam kay lola dahil nagpapahinga ito.

"Pakabait ka kay Tita Eya mo ah." sabi nito kay Tali at tumango lang siya.

"Bukas balik nadin ako ng Las pinas." sabi nito sabay halik sa noo ko.

"Dahan-dahan lang po kayo sa pagmamaneho." sabi ni Dane kay Manong Grab tsaka nito inabot ang bayad at sumakay na kami ni Tali.

Isasama ko muna si Tali sa bahay tutal andon naman ang mga kapatid ko.

Ilang oras din ang binyahe namin at nakatulog na si Thaliah.

Dahan-dahan ko itong kinarga, jusme magiging nanay na pala ako ng batang ire!

Pagbaba ko ay kinuha ko sa bag ang susi ng gate at pumasok na sa loob.

"Ma!" tawag ko dito at nakita ko naman si Rina.

"Si Mommy?" tanong ko.

"Uh. Nasa itaas po, nagdala lang po ng kape para kay Kuya Vincent." sabi nito at napatango ako pero ilang sandali lang ay bumaba nadin si Mommy.

"Oh, Eya. Andiyan kana pala." sabi nito.

"Si Daniel kasama mo?" tanong nito.

"Hindi po, Ma nasa resort pa din ito dahil sinasamaan niya muna ang lola niya, pero bukas daw po ay babalik na siya dito ." sabi ko at napatango nalang si Mommy.

"Nako, akin na muna 'yan si Tali. Akyatin mo si Vincent don." sabi ni Mommy kaya inabot ko naman sa kaniya ang bata at umakyat na.

Umakyat na ako at naabutan ko si Simon na nagsi-selpon.

"Ay, Sizs! Buti dumating kana, kanina ko pa gustong umuwi dahil may work pa ako." sabi nito.

"Ganon ba, sige ako ng bahala kay Vincent. Nasan ba siya?" tanong ko.

"Nako, nasa banyo nagpapawala ng hangover. Sige, sibat na ako. Ikaw na muna bahala diyan sa lover boy mo, ha. Babush!" sabi neto at sabay beso sakin.

Hinintay ko ang paglabas ni Vincent ng banyo at naupo na muna ako sa gilid ng kama.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi pa din ako lumilingon sa kaniya.

"Eya.." tawag nito sakin kaya tumayo ako at nilingon siya.

"Kamusta kana? Ano bang nangyari?" tanong ko.

"I'm sorry, nakakahiya kay Tita Leona, sobrang lasing lang talaga ako kagabi at hindi ko na alam ang iniisip ko." hingi nito ng paumanhin kaya ngumiti ako.

"Ayos lang, gusto mo ba ng kape?" tanong ko dito at umiling lang to.

Lumapit siya sakin .

"Nagdi-date na pala kayo uli ni Daniel?" tanong nito

Yumuko ako..

"I still have a chance on you, Eya, di ba?" tanong nito sabay hawak ng kamay ko at tumingin ako sakaniya at nangingilid na ang luha ko dahil alam kong masasaktan ko siya sa sasabihin ko, he's always been there for me pero...hindi ko talaga siya kayang mahalin.

"Kahit..konti lang." sabi nito at nanatili pa din akong tahimik.

"I love you Eya, alam mo 'yan." sabi nito.

Hinila ko ang kamay ko at ako naman ang humawak sa kamay niya.

"I'm--I'm sorry..." usal ko at napapikit ito ng mariin.

"N-No..." sabi nito na umiiling-iling pa.

"Ka-kami na n--"

"M-maghihintay pa din ako." putol nito saakin.

"I'm willing to wait another five years for you, kahit ilang years pa 'yan...sabihin mo lang gagawin ko." sabi nito at tuluyan ko ng binitawan ang kamay niya.

"K-Kasal na kami ni Daniel." sabi ko at kumunot ang noo nito pero maya-maya ay natawa.

"A-Are you..j-joking?!" sabi nito at hindi ako umimik.

"Dámn!" mura nito at tumalikod 'to sakin.

"Tángina!" mura nanaman niya .

"B-Bakit?!" tanong nito habang natatawa.

"B-Bakit siya ang pinili mo samantala ako yung andiyan nong panahong nagpakasal ito sa ibang babae!" sigaw nito at hinayaan ko lang siya.

"A-ako yung palaging andiyan nong iniiyakan mo si Daniel dahil hindi 'to nagrereply sa mga messages at tawag mo pero siya?! Ano bang ginawa niya?!"

"M-Mahal ko siya, Vincent!" sigaw ko na din at natawa ito ng peke.

"Eh ako ba minahal mo ba ako?!" tanong nito.

"M-Mahal kita kasi kaibigan kita...at hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sayo."

"G-ginawa ko na ang lahat, Eya! Ginawa ko na ang lahat pero bakit...bakit hindi mo pa din ako kayang mahalin...sinubukan kong baguhin ang sarili ko..na-nagbago ako para sayo...nagbago ako para matanggap ako ng pamilya mo...ginawa ko ang lahat para sayo...hindi na ako yung dating tarantadong lalaking nakilala mo...nagbago ako kasi mahal na mahal kita...at hinding-hindi kita iiwan kagaya nong ginawa nong Daniel na 'yon!"

Alam ko yun, magagawa lahat 'yon ni Vincent para sakin pero kung kaya ko lang siyang mahalin noon pa, sinubukan ko naman noon pero hindi ko talaga kaya.

"I'm so sorry sinubukan ko pero.."

"Sinubukan? Asan ang subok dun Eya?" tanong nito.

"I-I'm sorry!" yun nalang ang nasasabi ko sa kaniya, tumawa ito ng pagak.

"Sorry?! Tángina, Vicente! Hanggang sorry ka nalang, kawawa ka naman pala!"

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon