DANIELLA 'DANI' POVNakaupo at walang gana akong nakatambay sa likod ng school ng may maramdaman akong malamig na bagay na dumampi sa pisngi ko, inangat ko ang tingin ko at nakita kong si Dilim 'yon.
"What's wrong?" tanong nito saka siya naupo sa tabi ko at iabot ang Chuckie na hawak niya.
Pero umiyak lang ako. "Hoy!" inis nitong sabi kaya napasimangot ako.
"Grabe ka naman maka 'hoy' ganiyan ba tamang pagtrato sa girlfriend ha?" umiiyak kong sabi at natawa naman siya.
"Sorry, ano ba kasing problema? Kanina kapa ganiyan eh?" tanong nito at naramdaman ko ang palad nito sa pisngi ko at pinupunasan yung luha ko.
"Ate is sick." sabi ko at kumunot ang noo niya.
"What do you mean she's sick?" tanong nito.
"May leukemia si Ate." sabi ko at sumeryoso naman ang mukha niya.
"Paano mangyayari yon–"
"Namana niya sa real mom niya." kwento ko pa habang nagpupunas ng luha ko and at the same time umiinom nong Chuckie ko, kinakapos na ako ng hininga eh.
Napatango naman ito kaya tiningnan ko siya, "Nagaalala ka ba?" tanong ko at tumango ito.
"Of course.. sino ba namang hindi." sabi nito.
"May nakakaligtas naman sa ganon di ba?" tanong ko at kumibit-balikat siya.
"I don't know but I hope meron, and I really hope na sana makayanan niya to." sabi nito at tumingin naman siya saakin at hinila ako para yakapin.
"She'll be fine. Matapang ang Ate mo hindi lang halata, damayan mo lang siya." sabi nito habang hinahaplos ang ulo ko at tumango naman ako.
Naramdaman ko ang paghalik nito sa noo ko na kinangiti ko. "So, nasaan ang Ate mo ngayon?" tanong nito, nakasandal nako sa dibdib niya at nakasandal din naman siya sa malaking puno.
"Pumunta sila sa ospital kung saan nagpacheck up si Ate. Gusto kong sumama pero ayaw nila." sabi ko at hinahaplos lang talaga niya ang ulo ko, inaantok tuloy ako.
"Iiyak kalang naman kasi doon." pangaasar niya na kinasimangot ko at inangat ang tingin ko dito at inambahan na hahampasin pero niyakap niya lang ako.
"H–Hoy! Bitaw!" inis kong sabi.
"Ayoko." sabi nito at dinako nakipag-debate, ayaw daw niya eh, alam niyo naman kapag sinabi niyang ayaw niya, ayaw niya talaga.
Tumawa ito ng mahina. "Good girl, kilala mo na ako." sabi nito.
"Well, I need this." sabi ko nalang at tumango ito.
"Sure. I can hug you as long as you want, panget." sabi nito.
After class, nagprisinta itong ihahatid na niya ako. "Panget." tawag nito at inangat ko naman ang tingin ko at nong makita niyang malungkot pa din ako ay lumapit na siya para yakapin ako, kinakabahan naman ako dahil baka makita kami ni Dad, pero alam naman nila na kami na.
"Wag kang masyadong malungkot, paano lalakas ang Ate mo kung makikita ka niyang nagkakaganiyan, dapat ipakita mo na malakas ka para mabuhayan naman ng loob si Ate mo na harapin yung sakit niya, dahil kung nakakahawa ang pagiging masaya, nakakahawa din yung pagiging malungkot." sabi nito at tumango ako saka ko inikot ang kamay ko sakaniya at niyakap din siya pabalik.
"Thank you, panget." sabi ko. Gosh, did I call him that?
"You're welcome." sabi niya at mas niyakap pa ako ng mahigpit.
At nong bitawan niya ako naramdaman ko agad ang labi nito sa noo ko at after three seconds, nasa pisngi ko naman na ang labi niya. "Uwi na ako." sabi nito at tumango ako.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM