Kung ano-ano nalang ginagawa ko ngayon. Kanina ko pa iniiwasan si Dane. NAKAKAHIYA! Nakita nya ang hindi dapat makita sakin. Promise hindi na talaga ako iinom.
"Bat ka nagiisa dito?" tanong nya tsaka tumabi sakin. Umiling ako. Bahala sya!
"Iniiwasan mo nanaman ako, belive me okay, hindi ako ang naghubad sa'yo kagabi ." sabi nya kaya tiningnan ko sya.
"Kahit na. Nakita mo padin kanina." sabi ko.
"Okay lang yon. At least may remembrance ako." natatawa nyang sabi kaya naman inirapan ko sya.
"Joke lang, eto naman. Labas tayo ngayon." sabi nito na kinalingon ko sakaniya.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.
"Kahit saan. Saan mo ba gusto ha?" tanong nya sakin.
"Kahit saan bahala ka." nakangiti ko nang sabi kaya ngumiti din siya sakin at pinat ang ulo ko.
"Okay sige na maligo kana." sabi nito kaya tumango ako at umakyat nako.
_______________
Nasa byahe na kami ngayon at wala akong ideya kung saan nyako dadalhin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"I don't know. Basta kasama ka okay nako ." sabi nya kaya kumunot noo ko.
"Huh?"
"Wala. Basta" sabi nalang nito kaya napailing ako.
Napansin ko nalang at pagabi na at nasa byahe padin kami.
"Dane." sambit ko.
"Malapit na tayo." sabi nya tsyka ngumiti sakin kaya nagnod nalang ako.
Hanggang makarating kami sa isang resort.
"Kaninong resort to?" tanong ko.
"To my grandparents." sabi nya kaya nanlaki mata ko.
"What?! Andito sila?" tanong ko.
"Sa tingin mo?" tanong nya kaya hinampas ko sya ng mahina. Pinark nito ang kotse sa gilid at bumaba na kami.
Nakasalubong namin ang ilang staff na kilala na ata si Dane, malamang apo siya ng mayari e.
Napalingon ako sa paligid dahil sa ganda nito.
"Ang gwapo kong apo nandito." rinig ko kaya napalingon ako sa kanila at kita ko ang isang matanda na nakahawak sa pisngi ni Dane tsaka ito pinugpog ng halik pagkakita.
"Kamusta po kayo dito, La?" nakangiting tanong nito.
"Ayos lang kami. Bat ngayon kalang ha?—Teka sya ba yung girlfriend mo?" tanong niya kay Dane kaya nanlaki naman ang mata ko at napansin kong may binulong sya kay Lola at napangiti to. Tss!
"O sya pumasok na kayo." sabi ni Lola kaya agad hinawakan ni Dane ang kamay ko at pumasok na kami sa loob.
"Nako mukhang pagod kayo sa byahe, kumain na muna kayo." sabi ni Lola Marie, napangiti ako dahil ang Mommy ni Dane ang pangalan is Mariel.
"Pasenya na yan lang naluto ko." sabi ni Lola kaya agad akong umiling.
"Okay lang po ito La." sabi ko nang nakangiti.
Sabay-sabay kami na kumaing tatlo. Kawawa si Lola dahil sya nalang magisa dito dahil mas naunang pumanaw ang asawa nya . Puro staff lang ang nakakasama nya dito at hindi man lang sya nadadalaw ng mga anak nya, bigla ko tuloy namiss si Lola Alicia.
"Are you okay?" tanong ni Dane kaya tiningnan ko sya.
"Bat ka umiiyak?" tanong nito kaya nagulat ako at hinawakan ang pisngi ko at may luha ngang natulo.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND
RomanceBOOKONE [COMPLETED] BOOKTWO [COMPLETED] TEEN-FICTION | ROM-COM